Tahi sa pwerta

Please help nalusaw yung tahi ko dahil sinunod ko yung nanay ko na umupo daw sa usok ng dahon ng bayabas.. ngayon tinignan ko sa salamin nakabuka yung tahi ko at may nana.. Anong pwede kong gawin pra gumaling agad.. pang 1 week ko na simula nung nanganak ako.

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Ginawa ko naman yan sa 3 baby ko kasi normal ko sila nilabas lahat, okay naman. Baka naman kasi sobrang init pa. Also ang sugat nagnanana if infected and one of the reasons is mahawakan mo ng marumi yung kamay mo. Dapat kasi di yan hinahawakan dahil open wound. Pero andyan na yan, best thing you can do is go to your o.b kasi infected yan dahil may nana nga sabi mo.

Magbasa pa