Tahi sa pwerta

Please help nalusaw yung tahi ko dahil sinunod ko yung nanay ko na umupo daw sa usok ng dahon ng bayabas.. ngayon tinignan ko sa salamin nakabuka yung tahi ko at may nana.. Anong pwede kong gawin pra gumaling agad.. pang 1 week ko na simula nung nanganak ako.

28 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Para super mainit nmn yun kaya nalusaw po!! Balik ka po sa OB mo. Baka need ulit yan tahiin.!! Nung na ngaanak din ako advance ng mga ibang tao yan din dahon ng bayabas ndi ko nmn sinunod… betadine feminine wash lang gamit twice a day ko ina apply.. sa awa ng dios okay nmn ang pag heal nya wla pag 2weeks tuyo na ang sugat ko.

Magbasa pa

nung nanganak din ako sa 1st baby ko pagligo ko after a week kung manganak naglalagay din ako ng palanggana sa inodoro may pinakuluang dahon ng bayabas maligamgam lang naman kaya okay lang mas madali po naheal yung tahi ko. after ko manganak never naku bumalik ng ob ko😅 ngayon nalang ulit na buntis na ako after 3yrs.

Magbasa pa

follow up check up ka sa OB mo. ako ilang beses ako pinilit sa bayabas na yan ng MIL ko di ako pumpayag may pag piga ng sugat nga daw kasama.. naku. kahit sumakit loob nila di ako pumayag. Nung 12 lang ako nanganak.. magaling na tahi ko as per my OB. pero alalay pa din ako.

2y ago

truu mamsh ganyan din MIL ko...nagalit pa nga kc sila daw ganun ginawa.. dpat sundin ko daw kc kinasananayan...sabe nlng ng asawa ko marunong pa kayo sa OB hayaan nyo na kami...hindi nmn kayo doctor

Pero effective way to heal un tahi ganyan talaga 1wk lang magaling na agad ung tahi. Basta ung kaya mo lang dapat na init. Pero mainam balik ka sa ob mo baka di maayos un pagkatahi

ako naman po sa panganay ko nag hugas ako ng maligamgam na tubig sinunod ko rin mga lola ko kaya imbis na paloob yung tahi ko lumabas at mahapdi kaya nagpunta agad ako sa o.b ko pinalaser 1500 yung laser.

Ako ginanyan Ng byenan Kong babae kaso Ang ginawa ko may suot pakong short at panty kse pinagbawalan ako Ng ob ko. Sabi wag uupo sa mga dahON dahon. Ayun 1week lng okay na tahi ko.

nako mii same experience po tayo ganyan din kaloka sobrang hapdi po nyan. Balik po kayo kay ob para mareseta sa dapat inumin at ointmemt na pampabilis mag heal po.

balik ka sa ob mo, ako ang bilis lang gumaling ng tahi ko wala akong kahit anong sinaunang sabi sabi na sinunod, doc ko lang sinunod ko at di ako nagkamali.

i have this friend na sinunod ung mother nya to do this. instruction lang ni OB is wag sobrang init para hindi malusaw yung tahi. it worked naman for her.

ganyan ginawa ko araw2 at gabi2 ko ginagawa hanggang sa gumaling na tahi ko, 1 week magaling na tahi ko.. punta ka me sa OB mo..