FOLIC ACID

Please enlighten me po mga mi, sino po same ko na hindi nakakapag take ng folic acid nung first trimester pero healthy naman si baby pag labas? Sabi po kasi mahalaga ang folic acid sa first trimester for brain development ni baby kaya nangangamba ako ngayon kasi hindi po ako nakakapag take nun since hindi naman po nireseta sakin ng nurse sa center dito sa brgy namin. Nagbigay lang po sakin ng ferrous sulfate at yun lang talaga iniinom ko nung first trimester. Itong second trimester naman po is ferrous sulfate parin then calcium. Nakakabahala lang mga mi kasi nung first trimester ko talaga hindi na nga nakakapag folic hindi pa makakain ng masusustansya dahil nga maselan din sikmura. Pag kinain ko yung ayoko sinusuka ko lang din po. More on fruits lang po ako nun at desserts kasi di ko rin kaya kumain ng maraming kanin/ulam.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung may healthy lifestyle ka naman bago magbuntis kahit late ka na uminom ng folic magiging ok din si baby. pero nakakatakot kung unhealthy mga practices mo before nagbuntis tulad ng di kumakain ng masustansyang pagkain, laging nagpupuyat, may bisyo etc. advice kasi talaga ng mga OB na magfolic kahit habang di pa buntis, simula ng pagbubuntis at habang nagbubuntis ay uminom, para maiwasan din ang defects kay baby at iwas kunan. kaya mas maganda pag nalaman agad na buntis ay sa OB agad pupunta kaysa sa health center. libre nga sa health center pero di ka naman matututukan sa pagbubuntis mo, pag sa OB aalamin pati health history mo para madagdagan nya mga irereseta sayong vitamins na kailangan nyo ng baby mo.

Magbasa pa
TapFluencer

4months pla ako buntis nun malaman ko going 5months na kya hnd dn ako nakapag folic pero my nireseta sakin na ferrous with folic yun po pwede nyo itake. hanggang manganak ako yun po pinainom sakin ksi naka help sa brain development ng baby un folic .. which is main concern ng midwife ko ksi un 2nd baby ko sila dn ng paanak saakin at my epilepsy sya kaya never tlga nila missed out un folic as my vitamins.. currently 3days old.plng baby ko.m

Magbasa pa

ako po hindi nakapag take ng first tri din dahil hindi ko alam preggy na pala. Sobrang worried nga din ako nun e. pero ng second tri napag multivit na may folic na ako. okay naman po si lo. at basta walang bad habits naman po at eat healthy din talaga. ang inisip ko na lang noong sabi ng husband ko, noong unang panahon wala naman ganyan pero okay naman tayo. hehe

Magbasa pa

sa Fist baby ko po hindi rin ako niresetahan ng OB sa hospital pero okay naman po sya since yung iniinom ko rin po kasi na gatas dati ay anmum na may folic na din kasama. Pero may nabasa ako na ang folic ay nakukuha rin po sa mga green veggies. Kaya mas mabuti po na healthy foods and fruits at more veggies tayo mi ☺️

Magbasa pa

may kakilala din po ako di din nakainom pero ok naman baby nya, late na kasi nya nalaman na buntis sya, pero makain po yung kakilala ko na yun e hehe pero mas ok po talaga sana kung nag folic acid ka, meron naman pong ferrous sulfate na may kalahok nang folic acid

VIP Member

yung kapitbahay namin mi nilihim nya pagbubuntis nya...kakapanganak nya lng last feb..so far ok nmn baby nya..ferrous lng daw tinake nya and no check up at all... ako mi 2nd tri na pero ung reseta sakin multivitamins na sya andon na lahat

VIP Member

Yes po tama po need po talaga ng folic acid lalo na kung di naman talaga tayo sigurado sa mga pagkain kinakain natin kung masustansya ba o hinde. Hanapan mo po ng paraan na makapag folic acid..

sa ob po aq nagpapamonitor nung nag 7weeks na tyan ko may resita na folic acid .. mas maganda pa din sa ob ka magpatingen pra kumpleto ibibigay sau na vitamins para sa baby

take Ka pa rin ng folic Mi if gusto mo para sa development naman yun at para na rin sa dugo yun

9mo ago

pwede pa po kayang mag take ng folic kahit 2nd tri na ako? next week pa po kasi next check up ko sa center dun ko palang iaask sana if pwede pa.

VIP Member

ok lang po yun kung healthy naman mga kinakain mong pagkain