Advices please.
Patulong po, wala po kasi akong sapat na pera para makapag pa check up. Tatanong lang kung sino dito naka experience na ng ganitong skin condition? Two months ko na pong sina suffer toh. Kahit anong ointment cream na nilalagay ko, nag antibacterial na rin ako, kung ano na ininom ko. Pero mas lalong lumala. Sino po dto may experience? Ano po ginamot niyo? Umabot na po ito sa arms ko, maging sa pwet ko po. Andami na sobrang kati, hindi nawawala ang kati kung dko tatanggalin yung naninigas na part ng dugo or yung nana. ðŸ˜ðŸ˜
Kahit saang panig ng Pilipinas may tinatawag na RURAL HEALTH UNIT. Center po yan at libre ang pacheck-up jan. Kahit nasa bundok kayo,nasa bukid kayo,malapit man kayo sa baybayin,meron po niyan. May mga public hospitals din na libre ang consultations sa mga tulad mo na magwawalk-in or OUR PATIENT DEPARTMENT para maresetahan ka ng tamang gamot. Ngayon,yung reseta na ibibigay sayo,kukuha ka ngayon ng indigency sa brgy niyo at ipapasa mo naman yun sa office of the mayor. MAMSHI DISKARTE LANG YAN. GALINGAN MO! ( baka mamaya diabetic ka pala di mo pa alam,mas magandang maaga palang alam mo na para magamot ka agad)
Magbasa patry niyo po gumamit ng sulfur soap by dr wong mommy and if hindi po tumatalab ang antibiotic, much better ipaculture and sensitivity niyo po yan para maidentify yung bacteria or fungi na nagcacause niyan para alam po nila if anong antibiotic ang tatalab dyan
Kung umabot na ng 2months at hindi gumagaling baka iba na yan. Need mo na ipa-check up. Baka may ibang sakit ka kaya di gumagaling.
buntis ka ba ? if hindi, sulfur soap po mga 50 pesos lang un. kulay dilaw. antifungal soap un. it will help
mi sa mga public hospital po libre lang if ever may bayaran man kayo pwede nyo ilapit sa malasakit
usually symptoms po ito ng mga diabetic patients po, much better ipacheck up niyo nalang po
try nyo po maglanggas gamit pinakuluan na dahon ng bayabas
na try ko na din po yan pero hindi tumatalab..
mas maganda po magpacheck up kahit sa center
kung gusto mo talagang gumaling kahit pa gaano kalayo ospital pupuntahan mo,magkakaiba kasi ang cases natin. Kung kay Pedro gumana ang ganitong ointment,di naman ibig sabihin nun is gagana din kay Juan.
bka diabetic yan kaya di na nagaling
baka mataas ang sugar mo po