in laws

Pashare lang po..9 months preggy ako ngayon. Ni minsan hindi man lang ako kinamusta ng in laws ko. Nakabukod na kami ng husband ko. Pag magvi video call sila, ilocano kahit andun ako, e alam naman nila na hindi ko naiintindihan. Kapampangan kasi ako. Sila marunong naman mag kapampangan. Nung last time sabi ng husband ko magkapampangan or tagalog para maintindihan ko pero wala padin. Nakakasama lang ng loob. Hindi kami close pero ano ba naman yung magsalita sila sa dialect na alam ko diba? Ano masasabi nyo mga momsh?

43 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganun talaga mga ilocano, ma, nasa nature na nila yung language nila kaya kahit hindi sinasadya, yun nagagamit nilang language, but it doesn't mean pinag uusapan ka nila. Ilocano rin kasi si hubby at kapag nag uusap sila talagang ilocano din. Nasasanay na lang ako, minsan nga tinatawanan ko pa or ginagaya, nakakatuwa kasi sila magsalita 😬

Magbasa pa