Bad In Laws ?
Mula nabuntis ako hanggang sa nanganak never ako kinamusta ng mga in laws ko or family ng husband ko. Never din ako dinalaw habang nasa hospital ng 1 week dahil induce at CS ako. Pumunta lang kami sakanila nung 4 months na baby ko pero hanggang ganun lang yun. Wala sila binigay na kahit ano man lang. Never din nila kinamusta baby ko hanggang ngayong 10 months na. Di man lang maichat pero pag manghihingi ng pera sa asawa ko dun sila mahilig magchachat. Mga mukhang pera.
Mababait naman yung akin, pero natriggered tlaga ako nung sinabi ng Mil na "buti pa si baby, sa kanya lahat yung ipon". Well natural dahil nag iipon kame pampaanak ko, at gamit ni baby.. Wala nga akong narrinig pero mafefeel mo naman.. Kase mula nung nabuntis ako, sinabihan ko lip ko na wag muna syang magpapautang sa mga kapatid nya. Kase nag iipon kame,. Nagbbigay naman kame tuwing sasahod Lip ko e. (la ako werk, di ako pinayagan mag werk nung nalaman kong buntis.ako). Mga kapatid naman nya, uutang para lang bumili ng Cp, o kaya baon ng mga anak.. Naiinis ako kase wala ba silang pamilya? Kelangan mangutang pa talaga sila sa taong nag Iipon. Bwisit ako.e
Magbasa paSame. 5months ako buntis now, pero kaaway namin ng mga kapatid ko mga kapatid ng boyfriend ko. Yung bf ko nakatira now samin. Lagi kami nagtatalo about sakanila. Sobrang stress din ako sa mga yun sis. Yung mama niya wala pake pati tatay niya hiwalay na kasi yung 2. Yung mga kapatid niya grabe mag salita kala mo may mga natutulong. At sabi pa sakin "bat daw sila tutulong hindi naman sila yung bumukaka" sino ba naman matino mag sasabi ng ganun sakin halos wala ko ginagawa sakanila.
Magbasa paGanyan na ganyan din mga inlaws ko. Pag papabili ng mga sapatos dun lang magchachat. Pero pag walang kailangan di man lang makamusta yung apo at mga pamangkin. Lalo na yung bunsong kapatid na babae ni husband. Sa isang taon, naka apat na pabili kay husband ng mga sapatos pati uniform. Pati yung ibang mga kapatid nya, pag nanghingi yung isa. Manghihingi lahat.
Magbasa paHaha. Same here gnyan n ganyan puta kung makahingi nman ng pera sa asawa ko susumbatan pa nila dmi pang satsat haha di nga rin ako kinakamusta nila dun ni isa sa family ng husband ko haha pero ok lng la naman akong pke sa knila di nga rin ako napunta dun sa knila eh. Pero now live in n kme ng husband ko at ok nmn haha auko din sa family nya haha
Magbasa paButi nga ikaw momsh sa side ng husband mo, ako sariling family wala. Lalo na yung Papa ko, alam kong galit siya sakin pero umaasa ako dun sa mga sinasabi ng karamihan dito na 'di nila mattitiis yung anak nila pero mukhan sakin wala talaga. Ang sakit lang hahahha. Tawa nalang ako.
Ganyan din sila sakin nun sis. Ayaw na nga nila ako patuntungin sa bahay namin e. Ayaw na nila ako makita. Nakaka depress sobra, kaya nakunan ako nun e. Pero matatanggap ka din nila ulit, at eto ako buntis na uli ngayon at tanggap na nila ako. Naiintindihan nila ako at laging kinukumusta.. Matatanggap ka dn nla uli sis. Ipagdasal mo lang at maniwala ka sa dasal mo. 🙂
Ang importante po kayo ng asawa mo. At the end of the day kayo naman ang magkasama. Basta po di nasasacrifice ang budget para sa inyong pamilya. Always have an open communication with your husband. Tell him your thoughts and feelings
Hayaan mo nalang mommy, ako nga ayaw kilalanin ng father yung baby ko and sabi never daw nila kikilalanin at wala akong aasahan sa papa ng anak ko. Swerte ka pren ksi nasayo papa ng anak mo :( God Bless ❤️
isa lang po.ibig sabihin nyan sis.dika nila gusto.masama loob ng inlaws mo.kasi may kahati na cla sa mga pangangailangan.nila.di nmn na di cla showy.may anak na nga kayo ng husband mo.grabi nmn cla sayo.
Haha totoo yan minsan n nga kme nag away dhil jn bwiset nga
For me mas ok pa yan walang pakealam kesa naman sa inlaws na mahilig makealam sa buhay nyo and napapansin lahat. Ang bad lang talaga e ung part na nanghihingi ng pera
May ganyan talagang mga tao. hayaan mo nalang as long as na wala ka namang ginagawang masama sa kanila wala kang dahilan para mag paka stress sa kanila😊
Excited to be a mum