In laws / favoritism
Ano po bang dapat gawin if yung in-laws, especially mga tita ng husband ko, laging pinupuna ang anak ko? English speaking po daughter ko, 3.9years old po siya, di pa siya marunong magtagalog. Lagi na lang yung di siya marunong magtagalog ang issue. Never man lang nila tinanong if anong alam ng daughter ko, never man lang nag-congratulate sila sa awards ng daughter ko. And kino-compare siya lagi sa pinsan nya. Magkaiba sila, yung isa madaldal, yung daughter ko, academics naman. Nakakalungkot lang kasi lagi na lang napupuna daughter ko, naaawa ako. Lumalaki na siya. Bobo tingin nila sa anak ko. Di na lang ako umiimik. Pasok sa tenga, labas sa kabila. Ano dapat kong gawin?