MOTHER IN LAW

Pashare lang po ng sama ng loob, but before that share ko lang po yung MIL at FIL ko is both working. And yung MIL ko ever since sa apat niyang anak pinaalagaan niya lahat dahil nagwwork siya sa Parlor and and FIL ko naman ay nagwwork as Construction Worker. So ever since hindi siya nag-alaga at nagpalaki sa mga anak niya, lahat ng apat na anak niya now is malalaki na at lumaki kung kani kaninong kamag anak na laging bukang bibig halos lahat ng anak nila na hindi naman sila inalagaan at pinalaki ng mama nila. To make the story short. Yung MIL ko since nanganak ako nung October eh, weeks palang nun si LO ko sinabihan agad ako na pag nag 2yrs old na daw eh pwede nako magwork. Up until now na 7months na LO ko every time na pupunta sila dito sa house namin (nakabukod kami) or kami pupunta sakanila laging sinasabi na magwork na daw ako pagka 2yrs old. So ang concern ko is kung sila sana magbabantay no probs eh ayaw nila magstop mag work kesyo madami naman daw magbabantay. Ang akin lang ayokong kung saan saan lalake anak ko lalo pa at puro lalaki sa kanila lahat ng kapatid ni LIP ko na apat puro lalaki kamag anak nila nakapalibot doon puro lalaki eh yung anak ko babae. Isa pa kung iaasa ko kung kani kanino anak ko paano matuturuan? eh hahayaan lang naman nila kung saan saan at di matuturuan lalo sa pag aaral. First Daughter and First time mom ako. Lumaki din akong di inalagan ng mama ko at sa lola lang ako lumake, ayoko mangyari sa anak ko na iba ang mag aalaga habang lumalaki. Sa financial eh halos kaya iprovide ni LIP ko samin lahat sya na nga nagsabi na sa bahay lang ako. Dont get me wrong mga mommies ha, gusto ko din ng may sariling pera at work pero gagawin ko yun in my own way ng hindi nalalayo sa anak ko o ipaalaga anak ko sa iba lalo at babae pa to. Ayoko lang talaga na nangingialam at pinangungunahan ako ng MIL ko sa desisyon naming mag asawa. Nakakainis lang. I've been molested before nung kabataan ko ng mismong relatives kahit na nasa isang bubong lang kami. Yan ang ayaw ko mangyari sa anak kong babae kaya nga kami bumukod. Gusto ko kung kikita ako ng pera in my own way dito lang sa bahay ng hindi nalalayo sa anak ko. Pati sa pagparty ng anak ko sa First Bday at Christening nanngingialam sila kesyo gusto nila sa EAT ALL YOU CAN. Eh party to ng bata hndi ng matatanda kaya gusto ko sana sa Jollibee Party ganapin. Nakakainis lang mi, marespeto akong tao kaya hinahayaan ko lang sila pero minsan sumosobra na sila sa pakekealam nakakairita na. Nakakarindi.

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Malayo ung MIL ko and napakatahimik at mabait kasi un kaya wala akong gantong problem, mas problem ko pa nanay ko, kesa byenan ko kasi kada pupunta dito, panay ang tanong at panay sita sakin parang ako pa ang namemyenan sa sarili kong nanay 😅 but ang stand ko dito, your child, your rules. Wag mong pansinin yang MIL mo, wag mo din sasagutin kasi mahirap ung magkakaron kayo ng conflict. Sobrang hirap ng may iiwasan ka, so might as well, tahimik ka na lang pag kumukuda ng ganon. Hanggang salita lang naman yan si MIL pero kayo paden ng hubby mo ang masusunod, diba. Wala naman den magagawa si MIL kung hindi ka nya makitang nag wowork pag 2yrs old na ang baby mo.. Saka dapat sabihin mo yan kay hubby. If gusto mong magwork, best is ung home-based na work ang hanapin mo. 17weeks pa lang akong preggy ngaun pero nag start na ko mag plan ahead at mag hanap hanap ng work na home-based para pagka panganak ko, maaalagaan ko paren ang baby ko. I get you mamsh, kasi kahit ako, bilang first baby ko to, gusto kong maging hands on kay baby while still working.

Magbasa pa