MOTHER IN LAW

Pashare lang po ng sama ng loob, but before that share ko lang po yung MIL at FIL ko is both working. And yung MIL ko ever since sa apat niyang anak pinaalagaan niya lahat dahil nagwwork siya sa Parlor and and FIL ko naman ay nagwwork as Construction Worker. So ever since hindi siya nag-alaga at nagpalaki sa mga anak niya, lahat ng apat na anak niya now is malalaki na at lumaki kung kani kaninong kamag anak na laging bukang bibig halos lahat ng anak nila na hindi naman sila inalagaan at pinalaki ng mama nila. To make the story short. Yung MIL ko since nanganak ako nung October eh, weeks palang nun si LO ko sinabihan agad ako na pag nag 2yrs old na daw eh pwede nako magwork. Up until now na 7months na LO ko every time na pupunta sila dito sa house namin (nakabukod kami) or kami pupunta sakanila laging sinasabi na magwork na daw ako pagka 2yrs old. So ang concern ko is kung sila sana magbabantay no probs eh ayaw nila magstop mag work kesyo madami naman daw magbabantay. Ang akin lang ayokong kung saan saan lalake anak ko lalo pa at puro lalaki sa kanila lahat ng kapatid ni LIP ko na apat puro lalaki kamag anak nila nakapalibot doon puro lalaki eh yung anak ko babae. Isa pa kung iaasa ko kung kani kanino anak ko paano matuturuan? eh hahayaan lang naman nila kung saan saan at di matuturuan lalo sa pag aaral. First Daughter and First time mom ako. Lumaki din akong di inalagan ng mama ko at sa lola lang ako lumake, ayoko mangyari sa anak ko na iba ang mag aalaga habang lumalaki. Sa financial eh halos kaya iprovide ni LIP ko samin lahat sya na nga nagsabi na sa bahay lang ako. Dont get me wrong mga mommies ha, gusto ko din ng may sariling pera at work pero gagawin ko yun in my own way ng hindi nalalayo sa anak ko o ipaalaga anak ko sa iba lalo at babae pa to. Ayoko lang talaga na nangingialam at pinangungunahan ako ng MIL ko sa desisyon naming mag asawa. Nakakainis lang. I've been molested before nung kabataan ko ng mismong relatives kahit na nasa isang bubong lang kami. Yan ang ayaw ko mangyari sa anak kong babae kaya nga kami bumukod. Gusto ko kung kikita ako ng pera in my own way dito lang sa bahay ng hindi nalalayo sa anak ko. Pati sa pagparty ng anak ko sa First Bday at Christening nanngingialam sila kesyo gusto nila sa EAT ALL YOU CAN. Eh party to ng bata hndi ng matatanda kaya gusto ko sana sa Jollibee Party ganapin. Nakakainis lang mi, marespeto akong tao kaya hinahayaan ko lang sila pero minsan sumosobra na sila sa pakekealam nakakairita na. Nakakarindi.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

lahat ng sinabi mo on point mii. support ako sa plans and views mo sa buhay. just shrug it off. good thing na nakabukod kayo. masyado pala desisyon ang MIL at FIL. same tayo ng outlook in life sa pagpapalaki ng bata. gusto ko din na nasa akin lang ang anak ko. pakinggan mo lang sila but at the end of the day kayo pa din mag lip ang masusunod. wag lang sana mabrainwash ang LIP mo. may mga palasulsol na relatives yun sana ang maiwasan nyo. maging open kayo ni lip sa isat isa lalu na sa way kung paano nyo gusto palakihin ang baby girl nyo. sabihin mo din ang side mo kay lip. alam ko na walang mabuting ama ang gustong mapahamak ang sarili nilang anak. medyo iba lang siguro tayo ng style pag dating sa MIL, ako kase lagi ko lang pinakikinggan ang mga advises nya pero pag di naayon para sa akin sinasabi ko sa kanya straight to her. hindi din kase ako bow ng bow. i will agree of i think and believe they are right pero very honest ako sa kanila kapag hindi din ako agree. we dont need to please everybody specially if we are not comfortable with it. basta maganda din ang pagsasalita mo at may valid explanations. siguro dun kame minsan nagcclash ng MIL ko pero ang nakakatuwa sa kanya after ng explanation ko e alam ko na tntry nya ako intindihin at tinatanggap nya na ayoko ang ibang suggestions nya. try to be as close as possible with lip para lagi kayo magkakaintindihan at lagi kayo focus sa same goals nyo. God bless mi.

Magbasa pa
2y ago

pinakamaganda nyan lip mo ang magsabi sa parents nya na mag wfh ka at di mo need ipaalaga ang anak nyo sa iba. sa party na pinipilit nila hayaan mo din na lip ang magsabi nun na yun ang gusto nyo at di yung suggestions nila. yun technique namin mii nung mag lip pa lang kame. pag sa side nya para di ako magmukhang kontrabida siya ang sumasagot. pag ako tinanong sinasagot ko depende po sa anak/kapatid nila. Pag sa partido ko naman ganun din sagot nya. mas madali kase tanggapin minsan para sa family ni LIP kapag sya ang nagreject kesa sayo galing. sasama tingin nila sayo. sa family ko same din sagot nya. Pero pag wala pa desisyon sabihin nyo paguusapan nyo muna.

Malayo ung MIL ko and napakatahimik at mabait kasi un kaya wala akong gantong problem, mas problem ko pa nanay ko, kesa byenan ko kasi kada pupunta dito, panay ang tanong at panay sita sakin parang ako pa ang namemyenan sa sarili kong nanay 😅 but ang stand ko dito, your child, your rules. Wag mong pansinin yang MIL mo, wag mo din sasagutin kasi mahirap ung magkakaron kayo ng conflict. Sobrang hirap ng may iiwasan ka, so might as well, tahimik ka na lang pag kumukuda ng ganon. Hanggang salita lang naman yan si MIL pero kayo paden ng hubby mo ang masusunod, diba. Wala naman den magagawa si MIL kung hindi ka nya makitang nag wowork pag 2yrs old na ang baby mo.. Saka dapat sabihin mo yan kay hubby. If gusto mong magwork, best is ung home-based na work ang hanapin mo. 17weeks pa lang akong preggy ngaun pero nag start na ko mag plan ahead at mag hanap hanap ng work na home-based para pagka panganak ko, maaalagaan ko paren ang baby ko. I get you mamsh, kasi kahit ako, bilang first baby ko to, gusto kong maging hands on kay baby while still working.

Magbasa pa

gawin mo lang yung alam mong Tama sa anak mo... Isa pa tulad ng Sabi mo babae ang baby niyo jusko Mii bantayan mo maigi yan . iba na panahon ngayon . sariling kamag anak hindi mo na mapagkakatiwalaan.. Totoo yan mi.. kami nga ng husband ko nagdecide kami na wag ako magtrabaho kahit na 2boys mga anak namin.. eto may baby din ako at huminto din ako ng work as company nurse kasi kahit mga boys Toh hirap pa rin ipagkatiwala sa iba.. nag open nalang ako ng business dito sa bahay para hindi ako mainip.. at kung gugustuhin ko din magwowork ako pag medyo lumaki na mga kids ko Pero habang bata pa gusto namin na ako mismo nanay ang mag aalaga sa mga bata... wag ka maniwala sa MIL mo hindi ikaw siya na kaya mong Iwan at ipagkatiwala sa iba anak mo.. Don't get me wrong.. mataas ang tingin ko sa mga working moms na kaya isakripisyo ang mga anak para makapagtrabaho. Pero Yun ay sariling desisyon.. lahat naman tayo may choice... Yun ang pinili nila alam nila makakabuti sa Pamilya nila .. tayo din may sarili desisyon na dapat hindi kontrahin ng iba. Godbless

Magbasa pa

Ganyan din MIL ko paladisisyon, nauuna pa samin mg-asawa 😆 Yung mga pinagdaanan niya gusto niya yun din sundin kong yapak lalo na sa pagbubuntis ko ngyon nakakainis pero denededma ko lang, deadma lang talaga magagawa natin momsh kasi kung kokontrahin mo tayo pa magiging masama kasi nkakatanda sila. Wala nman masama mag advice sila pero kung ipigpilitan is iba talaga eh just because they are older eh tama sala yung iba mga pamahiin wala nman basehan. With regards work, mas mabuti po kung work from home ka nlang marami naman online work ngayon local or international companies. Nakakatakot po lumaking di kasama ang ina, onetime fiesta samin (grade1 pa ako nun, hindi ko na masyado maalala sino basta relative lang din pilit niya pinapatong yung kamay ko sa ari niya (nakadamit nman po siya) na traumatize talaga ako nun grabe ang bastos) Wag mo po ipagkatiwala sa iba anak mo kahit immediate family pa yan babae pa nman

Magbasa pa
2y ago

Kausapin mo po c hubby kasi magulang niya yan siya ang may control wala sila karapatan makialam.. Pwedi mo nman pagsabihan MIL na mo pero momsh ikaw ang lalabas na masama. Blessed tayo sa asawa pero sa in-laws hindi pinalad kakastress 😆 Gawin mo po ano makakapagpasaya sa anak mo, bday nman yun ng bata.

kung afford nyo naman po na wag ka mag trabaho then dont po hindi nyo kailangan palaging makinig sadly ako po pag 2 mos pa lang ni baby need na magback to work ung initial plan is ung MIL ko ang mag aalaga kaso my mga issue ako regarding sa set up - malalayo si baby sa min like every weekend lang makikita - over magdemand ng sustento si MIL katulad dun sa anak ng kapatid ng asawa ko na 4yrs old she's giving every cut off para sa bata hihingian pa sya every week and then pag nagkasakit yung bata kahit paracetamol na lang sa kanya pa din manggagaling -tapos madaming alagang pusa na twice na kinagat ung pamangkin ng husband ko buti na lang nagpresinta ang mother ko na kaya naman daw nila alagaan si LO since during office hours lang naman at pag uwi namin ng trabaho ni husband eh kukunin din namin sya

Magbasa pa
2y ago

Kaya todo pilit sila sakin na pag workin ako at ipa alaga anak ko. Diko nga po alam hanggang kelan ko maaatim sila eh. Nakakainis lang talaga. Lalo sguro pag nabili ni lip yung tabing bahay malapit sa parents niya baka araw arawin nako nung mil ko. Jusko talaga

prio mo si baby, kaya naman ng LIP mo, agree ako sa lahat ng sinasabi mo, baby girl tong anak ko, Kaya takot ako sa mga ganyang sitwasyon Lalo nat mga lalaki yung nasa bahay nila. hanggat Kaya di ko e lalayo si baby sa akin, iba yung may guidance ng parents ayoko ko rin malayo yung loob nya sa akin. WAH set up ko tapos ako lang nag babantay ni baby, ako lahat sa bahay kinaya ko kahit nakakapagod minsan, ayoko lang malayo si baby at iba yung mag aalaga. Napadasal ako lagi na if may meeting tulog si baby o Kaya behave, 7 months na pala baby ko :-) Kaya nyo yan, pinasok natin tong parenthood :-)

Magbasa pa

Sis wag ka papayag sa ibang tao lalaki anak mo or ipaalaga sa iba. Crucial ang first 6yrs ng bata. Jan tinuturo ay sinusubaybayan ang mga bata at turuan ng kagandahang asal. Baka limaki pa yan malayo loob sayo. May epekto yan sa paglaki nila. Dpt yang inlaw mo magpayo lang at nasa syo parin ang hulinf desisyon. Marami namang wfh na set up ngayon. Pwd mo gawin. Mgdsisyon ka kung ano tingin mo tama basta wag ibang tao o relatives ang mag aalaga sa anak mo. Period. Kaya u yan sis.

Magbasa pa
2y ago

Dahil yung nanay ko gala talaga.

kayo po ang masusunod kung anu gusto nio mangayri sa bday at bnyag ng anak nio. nakabukod dn kau so wala sila pakialam para pakialaman kau.oo kanalang sakanila para wala na masyado madami usapan pero kaw at kaw pdn mssnod sa lahat ng gsto nio... at walang pede manghimasok o mangialam sainio.

2y ago

Ever since nanganak ako mi minsan lang sila bumisita dito samin kaya naiinis ako sa hirap ako ang nag alaga sa anak ko, lumaki anak ko na ako ang naghihirap ni walang tulong sa kanila tapos anlakas ng loob nila na magdesisyon sa buhay ko at ng anak ko. Kaya sumasama loob ko talaga.

pasalamat nlng tlga ko suportado ako ng both sides pati asawa ko sa mga desisyon ko sa mga anak ko kase kahit na mangealam cla sarili ko pdin nmn ang susundin ko hahaha alam nila ugali ko kaya di cla nangengealam. ako na nga minsan ang ngttnong sknla for suggestions 😅

VIP Member

Ako natutunan kong panindigan yung gusto ko para sa anak ko, ngayon hindi na ko masyado nakakarinig ng pangingielam sa in laws ko kasi di na talaga sila umuubra sakin. Wala naman akong maling ginagawa or desisyon para sa anak ko kaya pinaglalaban ko talaga.

2y ago

Yan gusto ko mangyari talaga mi, yung di nila kami pakekealaman lalot di naman sila nag aalaga ngayon sa anak ko. Minsan nga lang nilang dalawin dito sa bahay namin ang dami pa nilang desisyon at demand. Kainis