paano hindi maging marupok

pasensya na. wala kc akong ibang masabihan. yung tatay kc ng anak ko nagpaparamdam na naman. matagal nko lumayas sa knila. bgo pa ako manganak iniwan ko na kc walang balak na mgwork at suportahan kmi ng anak nya. wala kmi tlagang pinagawayan. nagsawa na lng ako na kakahintay sa knya na mging mature. alangan naman dalawa sila ng anak namin ang palakihin ko noh.. pero parati niya akong sinusuyo. sawa na mga tao sa bhay na tanungin kung ano ba tlaga kmi. mahal ko pa pero ayoko n tlaga. paano ba hindi maging marupok? ang galing2 nya ako bolahin. parati nman ako bumibigay.

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sounds like this boy has a lot of maturing to do to become a man. Ano na ba ang ipinagbago niya mula 'nung layasan mo siya? May trabaho na ba siya? Gaano na siya katagal sa trabaho niya? (Take note na may mga nakakakuha ng trabaho pero hindi nagtatagal -- a sign of immaturity ulit). Magkano na ba ang kinikita niya? Sapat na ba para mabuhay niya ang sarili niya, plus you and your child? I get it; may mga taong karapat-dapat sa second, third (o pang ilang chance pa 'yan), pero sana lang maipakita niya sa'yo at sa lahat na nag-mature na siya kung saan siya pumalpak before. Doon ka magbase. Kasi kung pagbabasehan mo palagi ang pagmamahal, gutom ang aabutin niyong lahat. Please be wise this time, mommy.

Magbasa pa

alam mo yung sinasabi nila na hindi sapat ang pagmamahal lang? oo,susuyuin ka nya ngayon. pero kung wala syang balak magbago talaga,gutom aabutin nyo. pag lipas na yung matatamis na salita nya at mga panunuyo nya,at mapalitan na ng mga problema dahil di siya nagsisikap para sa inyong magina na mas maging mabuting partner at ama sa anak nyo,masasabi mo pa kaya na okay parin? lagi mo tandaan,ang panunuyo,kahit kelan pwede nya gawin. pero ang pagiging responsableng partner at tatay ng anak nyo,di niya magawa. paano pag nadagdagan pa anak nyo,paano na?? yan ba ang ama na gusto mo para sa mga anak mo?? ikaw. mamili ka. gusto mo ng panandaliang saya sa suyo nya,o ang mamoblema sa partner mo habang buhay.

Magbasa pa
4y ago

well said 🙌

just ask your self mommy may mga positive changes ba sa na nakita mo sa kanya? nakita mo ba na he's changing na for the better? nakikita mo ba na in the future he will become a father in a true sense?. siguro mommy kung tayo lang at walang baby why not hive him a second? a third chances? but the reality is hindi lang ikaw, andyan si baby ,pag nanay na kasi tayo sa lahat ng ginagawa natin , lahat ng decision making, lahat lahat ng kung anong meron tayo inuuna natin kapakanan ng anak natin di bali ng wala muna para sa sarili. so dug deep down mom its not only about the feelings, its not about you only.its about the future of your BABY!☺️.

Magbasa pa
VIP Member

If he really loves you, hindi niya kayo papabayaan at hindi niya hahayaang magutom kayo. He will make a way to support you and baby bilang haligi ng tahanan. Kung nakikita mo naman ngayon sakanya yung pagbabago, na hindi na siya tulad ng dati, enough para balikan siya pero kung hindi, still nasayo parin ang desisyon kung papayag ka ulit na mangyari ang dati at magpapadala sa pagiging marupok. Isipin mo ang welfare niyo ni baby. Hindi ka mabubusog ng pambobola niya, I swear. Why not talk to him, gumawa ka nang paraan to encourage him para masuportahan kayo.

Magbasa pa
VIP Member

Nasa sa inyo po yung sagot talaga sis kahit anong advice pa ng ibang tao kasi di rin 100% sure susundin mo ang payo kung iba naman sinasabi ng puso't-isip mo, di rin yan mawawala sya sa'yo kasi sya ang ama ng dinadala mo bale connected kayo for a lifetime dahil sa anak nyo so I think it's still okay of may communication parin para sa bata kung ayaw mo na talaga pero set rules & boundaries na agree ang both parties (kasama na jan yung sustento) :)

Magbasa pa
VIP Member

momsh baka kulang ka lang po sa salita😊 kausapin mo sya sis,ipaintindi mo na hindi na sya binata at may tungkulin na sya.minsan nakaka inis talaga ung ganun.parang walang prob pa easy easy lang...ako d talaga ako nakakapag timpi kapag galit ako talaga pinag sasabihan ko ang hubby ko,kung anu ba balak nya gawin sa buhay,hindi habambuhay lagi tau umaasa.minsan talaga pag d ka marunong magalit nakuuu mag antayan kau jn kung sino ang kikilos.

Magbasa pa

Hindi kta masisisi qng yan ang nararamdaman mo mahal mo pa ksi eh..bakit di mo bigyan ng second chance malay mo mgbago na ang pananaw nya sa buhay lalo na ngayon my anak na kayo.pra ksi sa akin mahirap mgpalaki ng anak ng mag isa kailangan tlaga natin ng katuwang sa pag aalaga.oo sabihin natin na lalaki dn ang anak natin khit wlang ama pro isipin mo nlng qng ano ang mararamdaman ng anak mo qng sa pglaki nya wla syang knagisnan na ama.

Magbasa pa
VIP Member

Kapag nakita mo na father figure na sya. Dun kana bumigay. Ibang usapan na ngayon, may anak na kayo. Hindi na kayong dalawa lang ang involve. Di na twitams twitams lang. Kung yung panunuyo nya eh may future plans para sayo at sa anak mo, at nakikita mo naman na seryoso sya, why not bigyan ng chance. Pero kung lambing teenager lang. Nako sis. Mag isip isip ka muna.

Magbasa pa

Kung yung panunuyo nya ay may kasabay na effort and changes na nakikita mong willing na talaga syang maging tatay, then go for another chance. Mahirap para sa isang bata na lumaki na di buo ang pamilya, iconsider mo din yung fact na yun momshie. Pero kung wala naman talagang improvement si daddy to be, wag ka muna maging marupok this time. hehe

Magbasa pa
VIP Member

Lagi mo lang isipin na hindi kayo mabubuhay ng baby mo sa pambobola nya momshie, ang lagi mo lang itatak sa utak mo na mas mahalaga anak mo. Kung bibigyan mo sya ng another chance, pakita nya na nagbabago na sya or nagsisikap para sa inyong pamilya. Maghanap sya ng trabaho, once may work na hintayin mo muna kung maging stable sya dun.

Magbasa pa