sama ng loob

Pasensya na at wala ako makausap. Ang sama lng ng loob ko sa pamilya ko. Sa bahay ng parents ko ako nakatira at ako po halos lahat ang gumagastos s bahay. Maayos po ang trabaho ko at ang asawa ko nasa abroad. Ako lahat nagbabayad kuryente, gas, internet, pangkain sa bahay, nagpapalaba kahit na may fully automatic washing machine kami. 5 months na ang tyan ko. At ang gusto ng nanay ko kumuha ako ng yaya. Nakakasama lng ng loob kasi wala na sila ginagawa sa bahay at yung inaasahan ko na sila mag alaga sa bata paglabas bilang tulungan na lng sana kami kasi ako nga halos bumubuhay sa kanila. Gusto ko na lng tuloy bumukod, may bahay kami ng asawa ko kaya lng wala akong kasama kaya andito ako s parents ko.

46 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Day,breadwinner din ako samin before ako mabuntis at let me tell you,Ang ginagwa ko lang sa bahay ay gising,kaen,work then sleep. Aba kahit pamilya ko sila sinabi ko sa parents ko na "Hnd naman pwd na ako na nagwowork ako pa din sa gawaing bahay?!" So tpos ang usapan. Edi walang away. Now na buntis ako at nakaleave sa work its still the same, My fiance will pay for our monthly bills. Kapag nagwork ako babayaran namin ang mama ko for helping me sa pag-aalaga kay baby at paglalaba,at papa ko pra sa pagluluto at pamamalengke. Iba pa ung ibibigay ko sknila na allowance as a parents. Bukod sa nagkapera na sila nkatulong pa samin ng BF ko. Ganun kaya gawin mo sis,kausapin mo sila.

Magbasa pa
Related Articles