Covid positive and MIL
Parant lang po Nagpositive kami ng anak ko 3 weeks ago pero magaling na kami. Even before ng pandemic nasa bahay lang kami. Bilang lang sa kamay yung mga paglabas ko simula maglockdown. So eto na nga, kararating lang ni hubby tapos lumabas kami isang beses para bumili ng mga gamit (~1.5 hrs). Take note: wala kaming nakasalamuhang tao except sa cashier at sa 1 staff na napagtanungan namin. May social distancing kami at nakamask and face shield din kami. Pagkauwi ng bahay diretso ligo na din. Kinabukasan wala pa akong pang amoy. Si hubby walang naramdaman o kahit anong symptoms. Hubby is a frontliner Mother in law labas ng labas (work related pero kahit pwede naman wfh, di mapirmi sa bahay) Magkasama sa bahay si MIL at Hubby Every Weekends umuuwi samin si hubby Eto na, si MIL paulit ulit sinasabi "ewan ko ba sa mga nagpopositive. Gala ng gala sa madaming tao kasi" Bakit parang pakiramdam ko pinaparinggan nya ako. Ganun kasi siya pag may di siya nagustuhan sakin 🤣 Once lang ako lumabas at super cautious and paranoid ako sa virus kasi healthcare provider din naman ako.