Living in my parents in law's house
Pa vent out and pa advice na rin. Sobrang nahihirapan na ako makisama sa parents in law ko 😞. Mababait naman sila pero hindi talaga mawawala yung nagiging controlling na sila. Minsan, di ko na alam kung nanay ba ako or yaya ng anak ko. We were renting an apartment before ni hubby.. malapit sa work namin. Pandemic time, nabuntis ako sa 1st child namin and since WFH, we decided to stay with his parents TEMPORARILY. para din may makasama kami at makatulong kay baby. But until now, we're still here. Walang work si hubby, 4months na and ako lang nagwowork sa amin dalawa. I'm WFH. Hindi naman ako lang ang gumagastos, kasi may savings si hubby. Kaso paubos na. He is looking for a job na rin Eto na nga, minsan, hindi ko maiwasan mainis. Yung tipo kasing, naghuhugas ako ng plato, tatawagin ako ni MIL (mother in law) para hugasan yung anak ko. Ako pa naman yung tao na ayaw paiba iba ng ginagawa. Gusto ko tapusin muna yung ginawa before moving to another task. Agad agad? Hindi lang once nangyari to. Several times na. Since wala work si hubby, medyo tight kami sa budget. 9am nagising ang anak ko. Pinalitan ko ng diaper, past 10AM pa lang, tinawag na ako ni MIL to change her diaper dahil puno na daw.. huh?? Sabi ko, kakapalit ko lang nyan. I checked and hindi naman. Parang lagi akong mali.. Lagi sinasabi dapat kong gawin na alam ko na at ginagawa ko naman, kaya lang, may mga gawaing bahay din akong inaasikaso plus may work pa ako. . - dapat ganto. - dapat ganyan Alam ko dapat makisama ako, pero minsan kasi sobra na. Wala naman ako magawa at nakikitira lang kami. Lalo na ngayon na walang work si hubby, we cannot afford na mag rent 😞 Gusto ko ma experience pano maging housewife. Yung ako magdedecide ng ulam namin. Mag aayos ng bahay.. hindi na need magpaalam kung may bibilhin gamit sa bahay or may papakabit. Hindi ko na need magpaalam kung saan kami pupunta mag anak. At yung 'US" time lang.. lagi din kasi sila kasama pag nalabas kami mag anak. Hindi na ako makahinga 😞