Kasambahay

Parant lang mga nanay May kasambahay kami nasa 30+ years old. Nung unang dating niya dito samin, napakasipag niya at malinis lahat ng gawin nya, pulido. Ngayon pang5th month siya halos lahat ng gawin niya paspasan na, tamad na maglinis. Yung bedsheet, 1 kumot at 2 punda nilabhan nya less than 5 mins lang kasama na yung pagsasampay. Halos parang binabad lang sa fabcon. Di naman namin siya pinagbabawalan gumamit ng washing machine pero wag naman sana halos babad lang. Yung mga damit ng baby may kanin kanin pa kahit "nalabhan" na. May pagkachismosa din siya. Ayaw ko yung feeling na lahat ng kapitbahay namin (kamaganak nya din) eh chinichismis nya samin. So paano na lang pala kapag nakauwi na siya? Kami naman ang icchismis nya? Ako ang full time na nagaalaga sa anak ko pero may mga time na pinapabantayan ko saglit pag magcr ako o magtitimpla ng gatas. Minsan kung ano ano tinuturo nya na hindi maganda like spinning (minsan napupulot din words nya kasi habang kumakain siya nagcchismis). Turning 2 ang anak ko kaya ang bilis ng pick up. 1 beses mo lang pakita o masabi, makukuha na nya. Wala naman akong choice kasi wala ako mapagiwanan pag magcr ako. Gusto kasi ng anak ko lagi may kasama. Masikip naman ang cr namin, di ko siya masama. Di ko rin mababy wear kasi kabuwanan ko na. Lastly, pag may pagkain anak ko, palagi siya nakikihati. Palaging nanghihingi. Eh ung anak ko bigay ng bigay. Goal namin na patabain ung anak ko pero parang iba ang napapataba namin. From 60 kg nasa 70plus kg na siya in 5 months span.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I believe, if there's no written, meron naman kayong verbal agreement before you hired her as "kasambahay" momsh. Siguro it's to time to remind her again of her duties, at maging medyo mahigpit ka po kasi parang nakalimot na sya. Hindi naman masama magpaalala lalo na kayo ang nagpapasahod, and momsh, bawal mastress dahil may kasunod na baby. Kausapin nyo po ulit in a nice manner. Totoo pong mahirap maghanap nowadays ng kasama sa bahay pero mas mahirap po kapag sakit sa ulo ang kasama sa bahay...

Magbasa pa

kausapin mo talaga sya momsh., ipaalala mo kung anong para sa kanya at mga gawain nya...... wag po mag worry kung ano e chizmiz nya pag uwi nya....