Mga mommies ask ko lang po bat kaya pag pinapadighay ko si baby nag lulungad sya lagi,

Parang may halak din sya, pinacheck up namin sya nung isang araw kasi parang umuubo at may lumabas na plema sa kanya nung pina dighay ko sya pero isang beses lang po nangyare yun, ang sabi naman ng pedia nya ay padighayin lang daw ng maayos at parang wala naman syang narinig sa dibdib at likod ni baby maayos naman daw yung pag hinga nya. Pero nag aalala parin ako kasi sige parin ang lunggad nya, at parang laging nasasamid. Masyado po kasi expose sa usok ang anak ko dito sa bahay. Kahit na di kami lumalabas umaabot yung amoy usok ng sigarilyo dito sa taas sa kwarto namin at nag sisiga din po sila sa kabilang bahay. Btw 3months po ang baby ko.

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din baby ko dati. sabi ng pedia overfeed daw cia . kaya dahan2 lng po yung pag pagpadede .nag aabot kasi yung old milk at yung bagong milk na nadede nya sa newborn kasi hirap pa sla mag digest kaya dahan2 lng yung pag papadede . If yung baby mo is 3mos plng maamsh kasing laki lng daw nong egg yung stomach nya. kapag palagi mo syang pinapadedw tendency bis lulungad tlga sya kahit e elevate pa yung head nya. yan po ai base sa pedia .

Magbasa pa
3y ago

And actually po if umiiyak si baby it doesn't follow po na gutom kaya instinct natin padedehin actually daw po bored si baby kaya umiiyak. payo po nang doctor divert attention po such as isayaw2 lng daw po muna. kasi pag pinadede my tendency po na ma overfeed kaya lulungad sya.