Mga mommies ask ko lang po bat kaya pag pinapadighay ko si baby nag lulungad sya lagi,

Parang may halak din sya, pinacheck up namin sya nung isang araw kasi parang umuubo at may lumabas na plema sa kanya nung pina dighay ko sya pero isang beses lang po nangyare yun, ang sabi naman ng pedia nya ay padighayin lang daw ng maayos at parang wala naman syang narinig sa dibdib at likod ni baby maayos naman daw yung pag hinga nya. Pero nag aalala parin ako kasi sige parin ang lunggad nya, at parang laging nasasamid. Masyado po kasi expose sa usok ang anak ko dito sa bahay. Kahit na di kami lumalabas umaabot yung amoy usok ng sigarilyo dito sa taas sa kwarto namin at nag sisiga din po sila sa kabilang bahay. Btw 3months po ang baby ko.

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

baby ko rin po pina check up namin nung newborn sya kasi para syang may halak at laging nasasamid kapag dumedede sa bottle. Pero sabi naman ng pedia nya naiipon lang daw sa ngala ngala ni baby ang gatas kaya ganun. kaya dahan dahan po pagpapadede namin saka sinisigurado na nakaelevate si baby kapag pinapadede. baka ganun din po si baby nyo. pero iwasan nyo pa rin po ang usok. makiusap kayo sa mga nagsisiga at naninigarilyo na ilayo layo, kawawa si baby.

Magbasa pa