Hindi ba nakakapagod mag-alaga ng baby?

Para kasing wala akong karapatan na mapagod. 24/7 kong binabantayan yung mag 1 year old kong anak mula paggising hanggang pagtulog araw araw mula nung magquarantine. Hindi ba valid na mapagod ako? Sa likot ng anak ko, sa demand niya ng atensyon ko, sa pagkalong ko? Sumasama kasi loob ko. Nakikitira kami sa in-laws ko. Sa bahay ng byenan to be exact. Kasama sa bahay ang isang sister-in-law. Kapag kasi hawak ko phone ko at nakaupo lang nasa crib si baby. Nakakarinig ako ng salitang daplis, na pinapadaan pa sa ibang tao. Halimbawa, nagcecellphone ako. Nagcecellphone din kasi madalas yung isang anak ng hipag ko. Magpapadinig siya na, sige... Magcellphone ka na lang nang magcellphone. Kahit hindi naman hawak nung bata yung cellphone niya at ako naman ang may hawak ng phone ko. Wala ba ko karapatan mapagod sa pag-aalaga ng anak ko? Dapat ba bukod sa pag-aalaga sa baby na minsan madaling araw gising na kahit kakatulog ko lang, eh gumagawa pa ko ng gawaing bahay?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I agree. Bumukod na lang kayo Sis.. or umuwi ka sa inyo baka mas comfortable ka dun. Mastress ka lang lagi kasi maghahanap at maghahanap ng mali yang mga inlaws mo sayo. Sobrang mean naman nila eh. Iopen mo din sa asawa mo na ganon ang nangyayare. Di din natin sila obligasyong pagsilbihan. Ako, ayaw ko pumisan sa biyanan ko. Madami na kasi akong nakitang hindi ko gusto sa pamumuhay nila. Kaya nagdecide akong dito muna sa parents ko hanggang manganak ako, kesa mastress pa ka kami sa isat-isa. Mahirap makisama, pero mas mahirap makisama sa mga taong ma issue sa buhay. Hahaha! Wala naman choice bf ko kundi sumama sakin kahit naiwang mag-isa ang nanay nya. Kasi nanindigan ako talaga, na kung ayaw nya e dun sya sa kanila at samin ako.

Magbasa pa

Nakapag-usap na po ba kayo ng asawa mo about pagbubukod? Mahirap po kasi talaga yung nakikitira lang. Mapupuna at mapupuna ka po.