Marunong din ako mapagod

Naiirita ako. Kasalukuyan kaming nakikitira sa MIL ko. Wala akong ginagawa sa bahay kundi weekly maglaba ng pang isang linggong labada namin ng asawa ko at ng isa naming anak. At dahil nakaquarantine, every day naman din ako ang yaya ng anak namin na mag iisang taon na this June. So, imagine sobrang curious na ni baby sa paligid niya at napakalikot. Gov't employee si hubby at may pasok na siya 2-3x a week. The rest, nasa bahay lang din naman siya at wala din naman ginagawa. Alam kong bilang first time mom at bilang bagong manugang na nakikisama sa in-laws eh hindi lang dapat kay baby ang atensyon ko. Dapat nga higit sa paglalaba, nagluluto pa ko at naglilinis ng bahay. Wala naman din problema sakin kung gagalaw ako sa bahay. Kaso, wala naman kasi ibang mag-aasikaso sa anak ko kundi ako. Kahit pa sabihin na andyan lang byenan ko at nandyan din asawa ko most of the time. So, here what happens today. Wala pasok si hubby. Sa maghapon, ako lang nag-aasikaso sa anak namin. Tumulong lang siya magpaligo. Pero ako halos ang nagkakalong, nagpapadede at lahat na sa anak namin. Tapos siya, tutulog tulog. Pacellphone cellphone lang. Tapos ako na maghapon, magdamag na nakabantay sa bata mula paggising hanggang pagtulog pag humawak ako ng phone ko like this madidinig ko pa sa byenan ko at hipag ko na nasa bahay din, sige magcellphone ka na lang. Idinadaan pa sa mga bata. Kunwari hindi ako ang pinapatamaan. Gusto ko din matulog at magpahinga. Pero parang wala akong karapatan. Porke di ako gumagawa sa bahay, akala di nakakapagod mag-alaga ng bata. Pag hindi tulo ang baby ko, hindi din ako pwede matulog. Kahit nandito naman asawa ko. Haysss. Wala ba ko karapatan magpahinga? Tamad ba ko nun?

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Haha gnun tlga. Naiintindihan Kita. Ung anak ko night shift.. sa Umaga need gumalaw galaw syempre Kasi nakakahiya. May work n din si hubby kaya ako din nag lilinis nag babantay. E Hindi din nag papa baba si baby. 6mos plang si baby at gumagapang na🀦🀦 Tumatakas lng ako Ng gawaing bahay pag nkkaatulog anak ko. Minsan sa sobrang inis ko minamadali ko n lng mag linis. Hindi nmn Pwede n wag mag linis. Nakakahiya sa MIL ko.. mabait nmn kasi siya ska tinutulunga kmi. Pero true.. minsan gusto mo tlaga mag Pahinga Hindi mo magawa.. πŸ˜­πŸ˜“

Magbasa pa
5y ago

Nku uwi k n lng sa Inyo sis..ka stress Yan.

Super Mum

Nakakalungkot naman makarinig ng ganitong story πŸ˜₯ I feel you momsh nakakapagod tlaga mag alaga ng baby at that stage yung malikot na at hahabol habulin mo. Sana naman po tulungan ka ni hubby mag alaga and also stable naman ang work ni hubby magstart na po kayo magplan na bumukod dahil mas lalong tatagal mas lalo ka nang ma stress.

Magbasa pa
VIP Member

Mahirap po tlaga pag walang sariling bahay nakikiramdamn kayo bawat kilos. Try nyo bumukod. If hindi namn kaya tiis nalang po at kausapin mo asawa mo na tulungan ka.

VIP Member

Naranasan ko yan mommy kaya niyaya kuna c hubby na bumokod kami...ngayon kahit di ako kumilos at kahit matulog ako maghapon walang magbabawal sa akin

talk to your husband

Hay kainis