βœ•

85 Replies

Dito lang sa bahay namin. Di pa namin kilala ang isat-isa. Pero 1st nan liligaw na siya sa mga magulang ko. I was so shock 🀯 that time kasi first time ko siyang makita noon. Pero nakita na pala niya ako sa isang store na kumakain mag-isa. Pangalawang panliligaw niya sa akin na 😜😜. Choosy paku nun ayaw ko pang makipag usap sa kanya kasi sobrang awkward na makipag usap sa isang stranger. Hanggang sa hiningi niya number ko sa mama ko. 🀣🀣 At binigay naman. Kaya ayun sa sobrang kulit pina pansin ko na. Hanggang sa ni yaya na niya akung lumabas. At naging kami na talaga. After 7 months nabuntis na ako (23 weeks pregnant) 🀣🀣 7 yrs gap namin. Isang Chinese. Mabait. lahat ng gusto ko binigay niya.

Haha napakabilis po. Sa dating site ko siya nakilala. Kasalukuyan akong nagrereview non for board exam, bored na bored ako tsaka alam ko talaga di ako papasa kaya nagdating site ako. Try lang naman. Tapos nagmessage siya ang haba, may 1 2018 yun nung nagstart kami magusap after 7 days inaya ko maging gf, may 28 same year inaya ko ng kasal. Oh diba 28 days pa lang kaming magkakilalaπŸ˜‚. Parang baliw lang pero mas baliw ata ko nagoo ako eh, since american siya LDR kami for 8 months at Hindi pa kami nagkita personal, December same year nagpunta siya sa pilipinas, january 2019 nagpakasal na kami. No regrets until now, ang bait eh, wala pang bisyo at makaDiyos😊

Hahahaha. Ang cool! ☺️ Iba talaga nagagawa ng love no? Kami sa work naman

Classmates kami nung College. Di ko siya napapansin masyado that time. Then isang araw, nagtanong mga classmates ko ano daw ba tipo ko sa lalaki, halos lahat ng tipo ko nasa partner ko (pero di ko siya crush o type nun, sadyang nagkataon lang). Hanggang sa inaasar na nila ako, ayun nagkagusto ako sa partner ko πŸ˜‚ Hanggang sa naging bestfriends kami, tapos nagkagusto siya sa iba, sobrang brokenhearted ako nun (bes kuno haha). Pero pinaglaban ko siya. Long story short, kami pa din nagkatuluyan. Sa buong magtro-tropa na mag-couple, kami na lang natira. Nagbreak na sila lahat. 4 years na kami, plan namin ikasal sana sa huwes kaso nagka-covid :(

Childhood Sweethearts po tlga kami. Magkapitbahay Magkababata Magkkaibigan pamilya namin. Ngkahiwalay ng 10yrs nung mga bata pa kami. Pagbalik ko kala ko di na nya ko klala nagkkasalubong kami pero walang pansinan. Di na nya dao kc ako nakilala kc nagdalaga na pero hnanap nya dao ako kahit sa province nla. Ayun after 3yrs saka nya pa nalaman na ako ung kababata nya ung nakagat ng aso dahil sa knya kc hinabol nya. Ayun aminan ng feelings na crush ko sya dati nung mga bata pa kami ganun din dao sya. Dun na nagstart gang sa naging kami at kinasal na kami. Ngaun were happily married for 8yrs at magging 3 na anak namin 😊

Kmi ni hubby.. Common dance friends. Pero kilala ko na xa kc dahil sikat yung dance studio nila sa city namin. Then ako nakikita nya din since dancer din ako sa city namin. Tapus formal na informal kmi nagkalilala sa bday ng common friend namin.. Tapus tx tapus dun na nag friendship then nangligaw xa tapus sinagot.. Nag ldr din kmi. May ups and downs dahil sa entertainment community in Manila.. Sumunod ako. Nag work ako as teacher. Then nag ipon para mag pakasal. Umuwi kmi nag pakasal. Pero xa na iwan. Magkakababy na kmi dis yr.. Pero di pa xa maka uwi dahil sa covid ..

Sa dating app kami nagkakilala. Usap-usap lang kami. Nastop yung communication namin kasi maraming nangyari in-between. Hanggang sa chinat na nya ako ulit sa Facebook. Hindi sya ang father ng baby ko, pero tinanggap nya yun. Yung totoong father, wala na. Di na nagparamdam ulit ever. Nahihiya ako sa partner ko nung una kasi hindi naman sya ang father ng baby ko, pero siguro talagang may mga tao na mahal ka kahit anong mangyari. Tinanong nya ako kung payag daw ba akong sya na asawa ko. Hahaha. Any time pwede na ako manganak, and super excited na rin sya.

Swerte ka sa partner mo sissy 😍😘 Tama yun, kahit ano pang nakaraan mo tatanggapin ka talaga ng taong mahal ka. Congrats sa baby ninyo mommy 🀩β™₯️

Kabarangay ko po siya. At crush ko siya dati. Lagi ako nanunuod pag may basketball game sila sa court namin. Hehe! Lagi ko siyang inaasar kasi ang sarap niyang asarin halatang nakikilig din siya. Jan 1, 2012 nun nang pumunta siya sa bahay namin tapos nag greet xa nang happy new year sabay kiss sa lips ko. Hahahah! Gulat ako nun. At yun na nga gusto nya din daw ako kaya lang nahihiya lang siya. Hehhe! 8 years nakami ngayon and I'm 10weeks pregnant na po. Salamat kay lord napakabuti nya po sakin. β˜οΈπŸ™Œβ€πŸ˜Š

Hahaha. Nice 😍 Congratulations mumsh. Soon makikita mo na si mini me or ni hubby mo 😊

Sa facebook.then naging bestfriend ko sya tapos nagkita kami sa Lobo,Batangas then nung nagkita kami pag alis nya nanligaw sya mga 3months naging kami.Then yun lagi kaming magkasama dahil OA mga kapitbahay namin kasi mataba ako buntis daw kaya yun akala ng Mama ko totoo di manlang ako tinanong then pinagsama kami after 5 months nagtanong kung asan daw baby ko paano ako magkaka baby kung nung may nangyari sa amin e nung magkasama na kami.After 2 years pa bago kami nag ka baby ngaung May 30 ang aking EDD.

Nakasabay ko sya sa pagprocess ng medical nun. Applicant kmi para makapasok sa pagsusundalo . Nauna syang nakapag training while ako on process padin ksi matagal tlaga makapasok ang babae. Shipboard nila that time at nagkasalubong kami sa headquarters πŸ€— nagkamustahan hanggang sa nagkachat na kami at naging KAMI 🀣🀣 Graduation na nila nun at mgging future soldier na sya at ako naman is papasok na . Kumbaga kami female soldier ang kapalitan nila sa loob ng training grounds for 7months πŸ€—

VIP Member

Aq his my friend, alam lahat ng mga kalokohan q pati mga ex's q sa knya p aq nun ngkkwento.πŸ˜… tas un nanligaw cia. At first ayoq kc hndi q cia type pro sbe q cge go kc kng hndi q cia sagutin mccra friendship namin tas kng hndi dn kmi mgktuluyan mccra dn friendship namin kya ayun sumige aq tas un pla hndi nq pkkawalan ahaha! 10yrs kmi mgbf/gf bago kmi ngpkasal. As in bf/gf n hndi live-in. Mejo strikto kc un late papa q hehe bbatukan kmi nun pg nkipg livein kmi puro kc kmi babae.πŸ˜…

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles