Let's talk ?

Papaano po kayo nagkakilala ng partner mo? Kwentuhan naman tayo mga mommy ?

85 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Magkawork kami ni partner.. nahiram se ko sa branch nila regular SL na sya nun tas ako SC palang at baguhan. D nya ko kinikibo saka ako closing nun sya naman GY.. d nya ko pinapansin pero lagi ko nakikita na nakatingin sya saken, naririnig ko ng crush nya ko.. hanggang sa umalis ako sa inuupahan apartment ng kptid ko pero ako nakatira se napagsabihan ako ni papa ansaket nung cnbi nya nun kea umalis ako gang sa tinulungan ako ni partner humanap ng marerentahan ko na kwarto ndi pa kami nun.. tapos naging magkaboardmate kami nun, dahil baguhan ako sa work wala pang ipon wala dn ako ganun kalaking hawak na pera.. ang pera ko nun 1500 lang, kea sya muna gumagastos saken at sya dn nagbayad ng inuupahan ko nun kahit na di pa kami.. as in walang kami, d dn kami friends. gang sa sabay na kami kumakain dinner sa store o sa carinderia bago ko umuwi sa inuupahan ko, tas hahatid nya ko.. todo effort sya nun like hatid, tas kahit puyat paguwi nya galing sa work ipagluluto nya ko e ako tulog pa se closing ako.. sa una namin inuupahan may kasama kami ndi ko nagustuhan se nagdadala ng kbgan at nagpapatulog, kbgan dn nya un matagal na.. kea nung umalis ako natakot sya na baka maapektuhan ung relasyon namin kea nung gabing umalis ako dun para umuwi muna sana sa papa ko e d nya ko pinayagan naghanap nlng jami matutuluyan muna nag check in nlng muna kami sya nagbayad, ilan buwan lang kami sa una namin inuunapahan ee dun ndi n naging kami.. pagkaout ko galing work plan ko na umalis sa inuupahan ko dahil nakakainis kaboardmate namin,yun nga umalis ako dun sumama sya nag check in muna kami tas kinabukasan naghanap kami at nakahanap kami mas maayos, mas mura at agad agad e lumipat kami that day..todo effort tlg sya kahit na bago palang kami mas nakilala ko sya.actually ok pdin naman kami naun kahit na may anak na kami, 10mos na kami nung nabuntis nya ko at pasalamat naman ako se pinanagutan nya ko at c baby, d rin sya nagloko kahit isang beses. Di nga lang sya ganun kasweet pero ok pdin naman kami good provider sya, saka mahal nya kami ng anak namin ramdam ko..

Magbasa pa

Dating app po. Partner ko is foreigner. I was an OFW. Broken hearted after i found out that my LDR pinoy boyfriend for 3 years. After a year of being single, naisip ko mag scroll2x over the net after work pampaantok baga. Tapos inignore pa ako ng kumag dun sa site. Mga 3 days pa sya nag reply dun sa nireplayan kong message nya. Kasi nga daw ang layo ko sa Saudi. Eh nasa Pinas sya dat time unang bakasyon nya. So parang di interesado. Ako naman okay lang kasi di ako masyadong convince sa ganyang set up. At isa pa, madaming pinay naman makikilala nya sa Pinas which is marami nga syang naging date (kain at coffee yung iba at may dalawang gurl na naka intimate nya). After a month ng bakasyon nya umuwi na sya sa bansa nila. Ako nasa Saudi parin pero mga 6 months nalang makakauwi na pero tentative pa. Sabi nya wala pa sya plan na magbakasyon ulit sa pinas kaya di na ako mag expect na mag meet kami. After 6 months magka chat, pauwi na ako September 2018. Diko alam naka book na pala sya nung August pa. Flight nya Sept 14 at ako nakauwi September 10.πŸ˜… Fast forward, mag 1 year old na baby namin at dito na kami sa bansa nya. Nabuntis agad ako after 1 month pag meet namin. Which is ang original plan nya is mag control kami pag nag meet. Di nangyari kasi sabi nya, parang feeling nya cute magiging baby namin kaya di na sya nag contraceptive. πŸ˜† PS: Mag anonymous lang ako dahil madaming judgemental dito about sa mga pinay na may hubby na foreigner. PPS: Hindi po sya mayaman at walang work kasi early retired sya at pension lang kaya wag nyo po sabihin na "May kababayan na naman tayong aangat ang buhay." πŸ˜‚ Kasi nasabihan na po ako dito sa app na to ng ganyan. God bless. πŸ˜‡β€οΈ

Magbasa pa

Newbie ako sa work tas tenured na sya so sya ang floor support namin. Sya nag a assist pag may mga tanong kaming mga newbie. I remember the first time na nagtanong ako sa kanya, habang ini.explain nya dapat qng gawin, grabi titig ko sa kanya, nakatulala lang ako sa mukha nya. Parang tanga! Ewan ako cguro ako ang na love at 1st sight sa hubby ko. Honestly, habang nakatitig aq sakanya ang nasa isip ko nun "pag kami naging magjowa nito, mamahalin ko to ng todo." hahaha πŸ˜… Inamin naman nya sakin nung kami nah, na weirdohan daw sya sakin nun. πŸ€ͺ The 1st time namn daw na nakita nya ko sa workplace namin, he was na love at 1st butt haha. Nagandahan daw sya sa butt ko! Tas sinabihan nya teamate nya, na "brad, may sexy dun sa pantry" sira ulo talaga. 🀣 Nalaman ko nalang, nag request xa sa supervisor nya na elapit ang work station nya sakin, ending hindi kami nagkatabi, ibang lalaki umagaw ng pwesto nya (na nanliligaw din sakin nun lol). Galit na galit xa nun, natawa nalang ako kasi di pa namn kami nun. Yung mukha nya habang nagwowork parang gusto nya patayin yung katabi ko. πŸ˜† Isa pang ka weirdohan ko was, para mapansin lang talaga nya ako, bumili ako ng maraming sapatos (di naman yung mga mamahalin) kasi mahilig sya sa sapatos and in fairness, napansin nya nga at nag usap kami about shoe brands (hindi ko inamin na class A lang yung mga shoes ko haha di ko afford ang orig 🀣). Tawa talaga sya nung umamin ako sa kanya na bumili aq ng mga sapatos para lang mapansin nya (days before our wedding). πŸ˜πŸ˜† Di naman romantic ang love story namn ni hubby but still makes me smile pag na.alala ko mga papansin moments namin sa isa't isa. Haist πŸ₯°

Magbasa pa

May 27, 2018 Fiesta ng Cupang Proper Balanga Bataan sinama ako ng pinsan ko na makifiesta sa bahay ng kapatid ng amo niya dahil inimbitahan siya ng amo niya at close naman niya yung family ng amo niya! 11:30 am Nung nag punta kame sa bahay ng kapatid ng amo ng pinsan ko then sarado pa yung bahay naliligo pala yung tatay at yung kapatid ng amo ng pinsan ko then tumawag pinsan ko naka payong ako sa isang tabi dahil nahihiya ako nun dahil hindi ako sanay na nakikifiesta o birthday at sa kahit anong handaan ayoko dahil mahiyain talaga ko haha! so ayun narinig kame ni ryan (asawa ko now) Sumilip siya sa bintana sa taas nila at nung nakita kae bumama siya ay pinapasok kame sa loob nila then nag handa sila at pinakaen kame tapos namen kumaen nakipagkwentuhan pinsan ko sa tatay ng amo niya at nung mag 1:00pm na umuwi na kame kase may mga bata kameng kasama naiinit na tapos nung pag uwi namen nagtext yung ryan (asawa ko now) sa pinsan ko tinatanong ako kung may jowa ako at sinabi niyang wala dahil alam nilang kakabreak lang namen ng bf ko nun haha! Tapod binigay ng pinsan ko no. ko hanggang sa nagtext ng nagtext saken si ryan (asawa ko now) at inaadd niya ako sa fb 2days niya akong nakachat tapos nanligaw agad siya 1week lang June 6, 2018 sinagot ko agad pero that time hindi ako seryoso dahil mahal kopa ex ko tapos nun Aug. 29 2018 2months kameng magjowa nag live in agad kame ou nag sama na kame nun bilis diba? then nung nagsama kame nagplano ng kasal so ayun september 14, 2019 kinasal na kame ok naman yung pag sasama namen hanggang ngayon tapos last month nag buntis naku madsdagdagan na kame magiging happy family ever na😊!

Magbasa pa

Sa trabaho, parehong galing sa hindi magandang past relationship. Ayon, tukso tukso na kami nalang daw at same nga na broken e haha e malay ko naman na seseryusohin niya ung tukso ng kadept. Niya na samantalang ako e wala pa talaga balak kasi di naman kami nagbreak ng personal nung ex ko ( kasi walang time at di ako pinapansin ng ex ko dahil di pa din xa makaget over sa ex niya na mahal na mahal niya) kaya sabi ko sakyan ko nalang ung mga biro nila hehe. Hangang sa nkuha nia na no. Ko at nagsimulang magkatext at chat, nasundan pa ng yayaan sa gala ng mga kaibigan. Tapos bigla nalang nagsabi na ligawan ako, sumama pa umuwi ng province pra formal na manligaw at makilala mga magulang ko at ayon unti unti ng nabuo ung relasyon namin ( nung time na yon umiiksena ung ex ko na bkit my iba na daw aq, di ko na xa pinansin kasi my dumating na mas pinapahalagaan aq at my oras sa akin at alam kong mahal ako❀😊). At Ngayon, magkakababy n uli kmi ( kasi ung 1st baby nmin e kinuha agad ,nakunan aq last july 2019 going 4mos c baby😒) Di xa nagkulang ng alaga at pagmamahal sa amin ni baby ko (29w4d preggy po ako)...pag naaalala ko nga mga un kinikilig pa aq e😁

Magbasa pa

Kami naman po sa bus nagkakilala, nung nagwowork pa ako sa manila. Halos everyday kaming magkasabay sa bus. Hiningi nya number ko hindi ko po ibinigay after a week na pangungulit nya hindi ko na sya ulit nakita.. After 3mos.. Hanggang one time tinext ako ng driver ng bus na palagi kung nasasakyan sa everyday na biyahe ko using diff number pinaalalahanan ako na malapit na sila sa bus stop. Sumagot ako ng ok po kuya (kasi palaging punuan ung bus galing sa probinsya papuntang manila sa pagiging regular passenger ko kahit nakatayo ok lang sken basta hindi ako malelate sa work ko nun) e dahil ibang number in tinanong ko kung sino? Sinagot naman ako ng "reply ka ng reply d mo pala kilala" hanggang sa sinungitan ko na.. Yun pala nakitxt si kuyang driver ng bus dito sa hubby ko.. Nagulat si hubby ko na ako pala ung tinext ni kuya driver. Kaya after that insident nagtetetxt na sya sken, nangungulit na.. Hanggang sa nadevelop na din ako.. Hanggang sa naging kami na.. Kaya naman yung bus na yun sobrang memorable smen at sila kuya driver. And now we're more than 8 years and having our first baby this coming Aug 😍

Magbasa pa

nagcomment ako dun sa post nia.. πŸ˜‚πŸ˜‚ tas maya maya may nag chat na sakin sa messenger.. wahahahahaha... πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ niligawan nia ako,,for days.. sobrang gaan daw ng pakiramdam nia sakin.. tas sagot ko naman.. BAKA AKO ANG TUNAY MONG INA.. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ persistent ang bata.. πŸ˜‚πŸ˜‚ funny but,, nung nakikipagmeet sia sa akin.. nagdadalawang isip talaga ako kung makikipagkita ako sa knya.. pero dama ko naman na mabuti naman siang tao.. saktong NOVEMBER 1 pa nun.. hahahaha !!! binisita namin yung puntod ng tatay nia.. yun ang sinabi kong gusto kong gawin.. ang magpakilala sa papa nia.. kahit sa harap lang ng puntod.. sinagot ko sia.. saktong november 1.. hahahaha πŸ˜‚πŸ˜‚ ,, di naman ako nagkamali sa desisyon ko.. kasi,, nirerespeto nia ako,, ni hindi nia nga ako nakiss sa lips before kami mag 1 month,, sa noo lang lagi.. at yung araw na sinagot ko sia.. yun din ang araw na kinukulit nia ako na isama ko sia sa bahay para makapagpakilala naman siya sa papa ko at sa mga kapatid kong lalaki.. and now.. were expectant parents na.. πŸ˜…πŸ˜… hoping its a boy.. πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ‘Ά

Magbasa pa
5y ago

Hahahaha. Nakakatuwa naman story niyo mommy πŸ˜‚ Congrats po.

VIP Member

Magkaklase kami sa Bible School. Yes. Seriously. Bible School. Nag aral kami para maging Pastor. Hindi namin gusto ang isa't-isa at first. Hindi ko siya feel kasi pabida siya sa classroom. Sya din kasi ang Mayor sa room at kasali pa sya sa School Organization. Sya ang favorite ng mga instructors namin, mga staffs sa school. Eh since 2nd Sem lang ako nun nagstart pumasok pabida din ako. Kaya parang naging magka kompitensya kami sa classroom namin. Then bigla nalang kaming naging close kasi from rivals parang naging buddies na kami, hinihiram nya yung notebook ko kasi tamad sya magtake down notes. Tas di na namin namalayan nagkadevelopan na pala kami. At dahil alam namin na kami talaga for each other after 5 months in our relationship nagpakasal na kami. πŸ€—πŸ˜… Ayun 2 years na kaming kasal, magkasama sa ministry at 13weeks na akong buntis sa first baby namin. πŸ’– Hindi ako nagsisisi na 5 months palang kami pero kasal agad. Kasi hanggang ngayon parang araw araw nya parin akong nililigawan. Napakablessed ko dahil nakilala ko ang asawa ko sa Bible School. πŸ’• #Pastor'sWifeAkoπŸ’–

Magbasa pa
5y ago

Thank you momsh. πŸ’–

VIP Member

Dating site matagal na kami nag kakausap pero wala talaga ako pake nun saknya , hanggang kinuha nya whatsapp number ko , diko sa tagal na namin wala Cominacation one day hinanap nya ako sa whatsapp pero diko tanda na sya binigyn ko ng number ,, una usap namin sa whatsapp inis ako at wala talaga ako tsaga makipag bolahan sa kng sino prangka kasi ako tao , diko naman alam na totoo mga sinasabi nya haggang naging kami then umuwi sya pinas para ma meet ako ng personal opps bago mag isip pinoy sya πŸ˜… dun lang sya work sa singapore by the way ayaw nya pinag uusapan about foreign hehe kaya asar2 sya skn mas ok daw mag mahal ang mga pinoy,,so now mag kaka baby girl na kami nag Decide kami mag live in muna 1year na kami this May 12.

Magbasa pa
5y ago

Ako dn naman wala nga ako hilig makipag usap.hehe

VIP Member

College sweetheart kami. πŸ’“ naglagay sya ng favorite ko sa upuan, pag pasok ko, kaya pala mga may something tingin ng mga classmate namin, may pa suprise pala don πŸ˜‚πŸ˜… marshmallows, tobleron, apple zesto, isang flower tapos letter. d ko pa alam non sino nag lagay, sabi ko tatapon ko to sino nag lagay nito? ayun tinuro sya ng classmate namin. tapos tinignan ko sya, nginingitian ako (porket ganda ng smile nya at may dimple. ) pinag tanung nya ano mga favorite ko. tas yon, nanliligaw na sya sa bahay, ayoko kase nag eentertain sa txt at fb, gsto ko personal ang panliligaw at sa bahay para kilala ng parents ko. πŸ’“πŸ’“πŸ’“ 7 years na kami now, 4 and half years na kami nag sasama.. 6th year namin nung mabuntis ako. πŸ€—

Magbasa pa