Need Advice

Pano po sabihn sa magulang ng maayos n buntis po aq ng 7weeks na. Natatakot po kc aq magsabi. D ku po alam kung saan mag uumpisa. Ang hirap n dn magtago. Slamat po sa advice.

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi momshie!! Ipagdadasal kita na sana magkaron ka ng lakas ng loob na sabihin sa magulang mo.. Ako kasi tinago ko hanggang 33 weeks (8 months)... Kung hindi pa ako kinailangan isugod sa hospital dahil nag pre term labor ako non, wala parin talaga ako balak sabihin sa mommy ko.. Sobrang hiyang hiya ako sakanya kasi graduating student palang ako shempre expect niya makaka grad na ako at makakapagtrabaho pero ang totoo kabuwanan ko na sa linggo ng graduation ko kaya may posibilidad na hindi ako makapag martsa at need ko magbantay baby ko pagkapanganak kaya hindi ako agad agad makakapag hanap ng trabaho.. Pero yun nga ganito scenario ng akin.. Sinugod ako ng boyfriend ko sa hospital.. Hindi ako pinauwi doctor kasi may contractions daw ako.. Nag pre term labor na ako hindi pa pwede lumabas si baby ko kasi kulang pa siya ng linggo eh shempre wala kami maidahilan sa mommy ko bakit hindi ako makakauwi ng bahay etc.. Ayun habang nasa hospi ako yung boyfriend ko kinausap mommy ko para ipaalam yung nangyari at yung kalagayan ko... Hindi siya nagalit infact gulat na gulat siya na 8 months na ako that time.. (maliit kasi ako magbuntis) tapos ayun kinabukasan pinuntahan ako agad mommy ko umiyak siya nung unang kita niya sakin siguro kasi nahihirapan ako at sa delivery room ako naka confine para akong naka icu kasi binabantayan talaga ako ng ob na duty para ireport sa ob ko nanyayare sa akin.. Tapos yun tinanong niya lang ako kung ano plano ko o namin ng boyfriend ko.. After non ok na lahat inaalagaan na ko mommy ko hanggang sa madischarge ako sa hospi.. Sinabi niya din sa mga kamag anak ko nagulat lahat pero mga excitded.. Alam mo ba naka confine pa ko sa hospital panay na bili ng mommy ko mga gamit ng baby... Kaya ipagdadasal ko talaga na hindi ka matulad sa akin na naduwag para mas maaga ka maalagaan ng pamilya mo.. Kayang maya mo yan β€πŸ’“β£οΈ

Magbasa pa

Wag ka po matakot, basta magkasama kayo ni partner mo. Dapat magkasama kayo, at handa kung ano man sasabihin sa inyo. Tsaka dapat may sabihin mo po kung ano plano niyo in the future. Yan din po ako last week ko lng sinabi sa parents ko, though may permanent job na naman ako at sa edad na naman pero nandon kasi ung expectations ng parents. Pagkasabi ko sa parents ko, okay lng kay father pero si mother eh may tampo. Sinabi lng po namin ng partner ko na hndi ko naman sila papabayaan. Then pagkabukas, okay na kay mother. Tanggap niya na. Pray lng na maging okay ang lahat. Wala naman siguro g magulang na pababayaan ang anak sa ganyang kalagayan.

Magbasa pa

Kung gaano ka katapang nung gawin nio yang baby mo dapat ganun rin na maipagtapat mo sa mga parents mo, kasi sooner or later dmo rin naman matatago yan lalaki naman tiyan mo at makikita rin naman nila unless kung dmo plano ituloy. Wla ka din naman ibang choice kundi sabihin sakanila ang totoo kasi makikita din naman nga nila, kaya dapat sabihin mona agad agad pra dkana rin mstress sa pagbubuntis mo, tanggapin mo nila hindi at least nasabi mo, tska yang galit nang mga magulang sa una lang naman yan pero pag nakita na nila apo nila baka makipag agawan pa sayo lagi sa pag aalaga nian. Be positive and be more responsible sa lahat ng ginagawa.

Magbasa pa

Momshie wag ka po matakot mag sabi. Sa una gnyan po tlga kpag nalaman na ng mother mo na buntis ka syempre magagalit yan sau sa una pero mwawala din po un dhil wla na po sila magagawa kse nandyn na yan. Ang gawin mo po magsabe ka sa mga magulang mo na buntis ka po tapos sabay hingi nadin ng tawad sa knila. Hayaan mo po sila magsalita sau ng hndi maganda kse gnun po tlga ang magulang kailangan intindihin din po ntin sila. wag tau magtatanim ng sama nang loob sknila ksi kahit ano gawin ntin magulang prin ntin sila Kya pinaka the best po dyn magpray at humingi ng tawad skanila. Un lng po ang maipapayo ko sau momshie. Goodluck po and congrats😊

Magbasa pa

Nung ako nun, napag usapan namin ng mapapangasawa ko palang na sabihin kay mama at papa. Ang katwiran ko ang hirap kasi mag doble ingat para sa pagbubuntis ko kung di nila alam. So pumunta si bf din that time sa bahay, tapos si mama muna kinausap namin. Tawa ako ng tawa kasi di ko alam sasabihin ko. Sabi ko may surprise kami (positive kasi ang datinf kaya positive expect din nila), si bf nag tuloy na magkaka apo na ulit sila. Ganun din kay papa pero ako na nagsabi na magkaka apo na sila. Nicongratulate nila kami. At siyempre payo payo lang din. At mas mapapaaga ang kasal at mapapasimple dahil mas priority namin si baby.

Magbasa pa

Bunso ako sa magkakaptid. Wlang asawa ang 2 kong matandang kapatid. Malaki expectations nila skn na magtrabaho ng maayos. 4 months nko nung snb ko sa parents ko last week. Nagalit sla and pinagsbhan ako, umiyak sister ko. Then nagdecide si kuya na iannounce sa side ng father at mother ko. They are all happy and waiting sa kabuwanan ko. Hehehehehe masaya ksi maraming susupport syo. Sbhin m na sis habang maaga pa para mapaalalahanan ka sa pagbubuntis mo

Magbasa pa
VIP Member

The earlier the better na mag sabi ka sa kanila. It's less painful kung sayo nila mismo malalaman yung condition mo, kase kung sa iba nila malalaman, may tendency na maging exaggerated ang kwento, kaya baka mas lalo na sila magalit. Pero syempre, even if they hear it from you, magagalit padin sila, co'z they'll be very disappointed, pero hindi ka naman nila matitiis. For all you know, sila pa yung palaging mag remind sayo for your check ups.

Magbasa pa

Sis, better kung isama mo yung boyfriend mo pag nagsabi kayo sa parents mo. Tapos pag kaharap niyo na, pwede direstsahin mo na agad, kaya man ipakita mo yung ultrasound mo. Be ready lang sa kung anong pwedeng maging reaction ng parents, tanggapin mo lang lahat ng sasabihin nila. Good luck and hopefully maging okay yung pagsasabi niyo. God bless. ☺️

Magbasa pa

wag ka matakot sabihin na buntis ka ,kasi ganyan din naramdaman ko nung nalaman kung buntis aq ,nung una tinago namin ng live-in partner ko na husband ko na now ..sa umpisa may galit cla pero pag alam na nilang magkaka-apo cla mawawala rin galit nila ,anjan talaga yung part na ndi ka nila iimikan pero tatanggapin din nila yan kasi blessing c baby

Magbasa pa

Ganyan din ako, hindi ko masabi sabi nung una. Until nagdecide na kami na magpartner na sabhin sa parents ko sa tulong ng family nya. Syempre una, nagalit sila pero in the end tinanggap nila... Sabihin mo na po mauunawaan nila yan kasi hindi ka naman nila matitiis, panget daw po kasi kapag tinatago ang baby. Nakakaapekto daw po yun sa bata.

Magbasa pa