Need Advice
Pano po sabihn sa magulang ng maayos n buntis po aq ng 7weeks na. Natatakot po kc aq magsabi. D ku po alam kung saan mag uumpisa. Ang hirap n dn magtago. Slamat po sa advice.
Hi momshie!! Ipagdadasal kita na sana magkaron ka ng lakas ng loob na sabihin sa magulang mo.. Ako kasi tinago ko hanggang 33 weeks (8 months)... Kung hindi pa ako kinailangan isugod sa hospital dahil nag pre term labor ako non, wala parin talaga ako balak sabihin sa mommy ko.. Sobrang hiyang hiya ako sakanya kasi graduating student palang ako shempre expect niya makaka grad na ako at makakapagtrabaho pero ang totoo kabuwanan ko na sa linggo ng graduation ko kaya may posibilidad na hindi ako makapag martsa at need ko magbantay baby ko pagkapanganak kaya hindi ako agad agad makakapag hanap ng trabaho.. Pero yun nga ganito scenario ng akin.. Sinugod ako ng boyfriend ko sa hospital.. Hindi ako pinauwi doctor kasi may contractions daw ako.. Nag pre term labor na ako hindi pa pwede lumabas si baby ko kasi kulang pa siya ng linggo eh shempre wala kami maidahilan sa mommy ko bakit hindi ako makakauwi ng bahay etc.. Ayun habang nasa hospi ako yung boyfriend ko kinausap mommy ko para ipaalam yung nangyari at yung kalagayan ko... Hindi siya nagalit infact gulat na gulat siya na 8 months na ako that time.. (maliit kasi ako magbuntis) tapos ayun kinabukasan pinuntahan ako agad mommy ko umiyak siya nung unang kita niya sakin siguro kasi nahihirapan ako at sa delivery room ako naka confine para akong naka icu kasi binabantayan talaga ako ng ob na duty para ireport sa ob ko nanyayare sa akin.. Tapos yun tinanong niya lang ako kung ano plano ko o namin ng boyfriend ko.. After non ok na lahat inaalagaan na ko mommy ko hanggang sa madischarge ako sa hospi.. Sinabi niya din sa mga kamag anak ko nagulat lahat pero mga excitded.. Alam mo ba naka confine pa ko sa hospital panay na bili ng mommy ko mga gamit ng baby... Kaya ipagdadasal ko talaga na hindi ka matulad sa akin na naduwag para mas maaga ka maalagaan ng pamilya mo.. Kayang maya mo yan ❤💓❣️
Magbasa pa