Mat Loan

Pano po kaya gagawin ko mga momsh nag apply po ako mat2 nung march 11 pa tas until now wala paden yung loan ko tinawagan ko agency ko sabi short daw po sila sa budget kaya di maibigay ang loan ko. Tama po ba na ganun ang sagot eh kailangan din po ng pera ngayon gawa ng naextend nanaman ang ecq? di po kase ako marunong magsalita i mean di po ako marunong mag construct ng maayos na sentence pwede sabihin sa employer ko eh di ko alam pano ko ipapaliwanag na kailangan na kailangan na namen yung pera?? patulong po mga nanay. Salamat po

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pagkakaalam ko ganito sya mommy. Before ka manganganak, magsa submit ka ng mat 1, bibigay ni employer sau ung kalahati (ung iba buo, aabonohan ni employer), then pagka panganak mo, magsa submit ka ng mat 2, then magre-refund na si SSS kay employer, buo na ung ibibigay ni SSS kay employer.. Baka kasi di pa nagre-refund si SSS, tapos nasa crisis pa tayo ngayon, walang pang abono si employer.. walang mapagkunan ng fund..

Magbasa pa
5y ago

Yan po sa akin. at, least 15 days prior pagbalik ko ng office ni require ako na mag submit ng requirements for mat2 para mairefund ng sss yung na ibigay sa akin.

Im employed,narecevived ko ng buo ang 70k. Hnd nila pwd ireason na wala sila budget,in the first place dpt buo mo na agad narecived yan eh 30days before due date. Saka hnd mo loan yan benefits yan. If hnd nila mabigay now kelan? Dpt pinilit mo sila! Wag ka mahiya! Naku! Pera monyan eh hnd naman sknila.

Magbasa pa
5y ago

June 19 pa po ang due date ko sis.

Paano magpasa ng mat1 ngayong crisis dahil SA virus eh close Ang company namin tapos bawal lomabas ngayon please need your advice Kasi mag 7 month na young tiyan ko eh Hindi ko pa Alam kailAn makabalik SA trabaho.

5y ago

Wla na po ako work ee kaya kailangan ko sarilinh hulog .need pa dn po ba ng email ng company?

Nung nagpasa ka ng mat1 dapat preempted na nila ung other half bago pa man mag ECQ. Buo naman binayaran (cheke) ni sss skanila yan so hindi ka dapat affected ng ECQ, benefits yan hindi mo loan skanila.

Ang alam ko po si employer talaga magbibigay ng mat benifits mo since employed ka pa sa kanila, parang need nila iadvance ang bigay sayo. If unemployed direct si sss magbibigay.

5y ago

Nanganak na ko sis nung jan pa mat 2 na po ang pinasa ko bale waiting nalang ako ng loan mismo kaya lang po ang sagot saken wala daw po silang pera kaya daw wala maibigay

VIP Member

Pag employed kapo kase sis ibibigay sayo yung half b4 kang manganak then half pagkapanganak mo po. Baka wala po silang pang abono kaya di po nila maibigay kagad.

5y ago

Baka wala po silang pang abono kaya buo na ibibigay yung mismong manggagaling sa SSS ang ibibigay sa inyo.

Hi momsh, sa expanded maternity law po yung maternity benefit po should be advanced by employer within 30 days from filing of maternity leave.

Di ba po si SSS ang magbibigay ng matben? Bakit si employer po ang maglalabas ng money?

5y ago

Di ko nga din po alam sis eh sabi po kase ni employerang cheke daw po asakanila pero di pa naapprove gawa ng wala na daw po sila budget

Tanong lanh dn po ,pede po ba pagtapos na manganak skaa kukuha ng mat? Pede po ba yun?

5y ago

Yung Mat 1 before po manganak, Mat 2 after manganak

Tanong lang din po ung mat loan ba . Sa mga may employer lang ba yan ?

5y ago

Pwede po sa voluntary member pero may required na number of contributions. Also, hindi po sya loan benefit po sya. Maternity benefit.