MAMA hehehehehe

Pano nyo ba tawagin ang mother in law nyo? parang hihiya ako tumawaga ng "mama" kasi d nasanay hehehehhe hindi po ba awkward?

43 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako po unang pakilala palang sakin noon ng asawa ko ngayon nag "mama " na ako agad πŸ˜‚ ewan ko parang nabigla ako kasi pagdating na pagdating ko welcome na welcome ako agad super asikaso kaya nung nagkausap kami napatawag akong "mama" na carried away ba πŸ˜‚ pero buti nalang natuwa sya.. kasi yung mga gf ng iba nyang anak na matatagal ng mag jojowa hndi daw sya tinatawag na "mama" .. Sobrang gaan lang talaga agad ng loob namin sa isat isa. Hindi awkward basta pure na magaan ang loob namin sa isat isa. Ngayong kasal na ako,ito excited na excited na sya sa apo nya ...

Magbasa pa

buntis ako nun tita padin tawag ko sa kanya. saktong new year sinabihan nya ako na wag daw tita mama na daw itawag ko sa knya kasi may apo na sya sakin. pag tita daw tinawag ko sa kanya lumayas na lang daw ako. para sakin nasanay na ako. kasundo ko pa MIL ko. sinasabihan nya ako ng asawa ko na kung sino ba daw yung tunay na anak 🀣 may mga time kasi na nagsusumbong ako sa MIL ko pag nagagalit ako sa hubby ko. ayun pagsasabihan naman ng MIL ko anak nya

Magbasa pa

si husband mag bf/gf palang kami nasanay na sya tawagin parents ko ng mamang at papang..ako naman pag nagkukwentuhan kaming dalawa mama/papang den tawag ko sa parents nya..pero pag kausap ko na mama nya di ko matawag ng mama den hahaha..pero ngayon mama/papang na den tawag ko sa kanila di naman sila nagreklamo 😁

Magbasa pa
VIP Member

Unang visit ko sa bahay ng LIP ko mama papa na tawag ko sakanila. ang nakakahiya di ko pa sinasagot si LIP non, so nasa ligawan stage palang. Taray mama papa agad tapos kami din talaga nagkatuluyan. Palabiro kase ako so dinaan ko sa biro yung mama papa noon, hanggang sa nakasanayan ko na siya.

TapFluencer

ung asawa ko di nya matawag na mama ung mama nya. πŸ˜…. lumaki po kasi sya na malayo lagi ang MIL ko. ako lang nakapagpatawag daw ng mama sa MIL ko sa asawa ko. sa kin po di naman awkward kasi nung bf ko pa lang si hubby sinabi na ng in laws ko wag na tito o tita. agad mama at papa. o diba hehe

nung mag boyfriend/girlfriend kami ang tawag ko "Tita" pero madalas "Hi po/Hello po" HAHAA ewan ko nahihiya ako e first boyfriend ko kase kaya nahihiya pa ako. Pero sya mismo nag sabi sakin na pwede ko syang tawagin na Mama. Ngayong buntis na ako ang tawag ko na sa kanya "MAMA"

Nanay ang tawag ko kasi di pa naman kami kasal although may anak na kami ni bf... Di kasi ako sanay kasi halos same age lang ng MIL ko ang lola ko... Maybe kapag kasal na kami hehehe✌️ pwedeng pwede ko ng matawag na Mama ang MIL ko ng walang pag-aalinlangan.

Tawagin mo lang "mama", pwede naman na. πŸ™‚ Yung asawa ko, boyfriend ko pa lang, mommy na tawag sa mommy ko. Kaya nung kinasal kami, tinawag ko na "mama" si mama niya, mas nakakahiya kasi kung hindi ko siya i-address ng tama.

2y ago

Same, nung nabuntis ako tita pdin nga tawag ko kaso sinita ako ni MIL kaya mama na tawag ko. Si LIP mommy daddy tawag sa parents ko kahit mag bf/gf palang din kami, ako kasi nasanay sa tita pero now di naman na awkward keri na hahaha

hahahahaa ganyan din ako sa mother in law ko πŸ˜„ mag 5years na kaming kasal ng hubby ko pero hanggang ngayon naiiilang parin ako mag mama sa mother in law ko, madalang ko lang mabanggit ang word na mama sa kanya, sa chat lang madalas πŸ˜…πŸ˜„

tito/tita din po tawag ko sa parents ng bf ko . nahihiya pa kasi akung tawagin silang Mama at Papa hindi pa kasi kami kasal ng anak nila😁.. yung bf ko tawag Γ±a sa parents ko Mama at Papa na sa parents Γ±a tito at tita lng tawag ko πŸ˜‚