71 Replies
Anong hindi kaya? sana di ka muna nagpabuntis kung gusto mo parin magyosi. Isipin mo anong magiging kalabasan ng anak mo sa ginagawa mo. ako smoker din ako aminado ako bisyo ko tlga mag yosi 3-4 stick sa isang araw. pero nung 1month delay nako tinigil ko na hanggang sa nagpt ako kasi alam ko sa sarili ko buntis na ako. alam ko hindi pare-pareho mga tao pero sus ko naman may baby kana bisyo ka pa din? buhay dalaga ka parin? Padami na kayo ng padami na binibigyan ng blessing ni God pero irresponsable. Sana lumaki paring may takot Sa Dyos baby mo at walang sakit na makuha sa pagyoyosi mo in Jesus name.
May kamag Anak kmeng malakas mAg yosi at mag inOm ng Alak 4months na tiyan nya.. Sa pangalawang anak nya noon hanggng ngaun sa pAng apat ganun pa din cya sinasamahan pa nya ng shabu adik asawa nya adik din sya.. Itinakwil na ng iba sya inuto naman nya magbabagong buhay yun pla ng liLow lng pla ngaun wala d tlga nla kayang kontrolin once na gumamit ka na tlga.. Kaya yung 3 anak nya hyper may saltik sa utak. Mgaling sya mglihim kung gumagamit pa cla o hindi pero mahahalata laging bagOng gising mugto lge mata nya.. Kaya nga kaht anong pangaral sbhn sknya hnd naman mkknig..
Nung di ko pa alam na buntis ako yosi ako ng yosi kaso di ko na nauubos o nakakalahati kasi naduduwal na ko. Pero nung nag positive PT ko dun na ko nag last yosi na kako kasi naisip ko baby ko. Until nag pa check up ako na confirm na 6-7 weeks na ko pregnant, bigla na lang ako na pa stop sa yosi. Kahit naamoy ko, kahit nkikita ko mga ka officemate ko dedma na lang ako. Para kay baby. Isipin mo lang kung gusto mo mag ka healthy baby, wag mo gawin yung mga bawal. Sabi nga ng husband ko, ilang buwan lang naman ako mag titiis sa mga ganyan. 😊❤️
same tayo momshie . ganyan dn po ako nag-yoyosi dn po ako di ko po alam na preggy ako pero dko dn po nauubos isang stick nasusuka ndn po ako nun tapos nag pt ako at na confirm kung preggy ako pina stop na dn ako ng husband ko sa yosi ako dn po pinilit ko yung sarili ko na wag na kasi iniisip ko po yung kalusugan ni baby at gusto ko po na maging healthy sya . Nakaya po naten sana po kaya dn po ng ibang momshie .
How to quit smoking when you're preggy? The only answer is just quit! :) nakakatuwa yung ibang mga mommies here na mga malalakas magsmoke pero nung nalaman nila na buntis sila, stop kaagad sila. That only shows kung gano nila kamahal yung dinadala nilang tao. They prioritze their babies kesa sa sarili nila. Kaya niyo rin itigil yan kung kinaya ng iba. Isipin niyo nalang yung health ninyo lalo na ng baby na nagsisimula palang magdevelop inside you. :)
Kumain ka ng bubblegum everytime na gusto mo magyosi. Tas isipin mo lagi yung anak mo kung ano pwedeng mangyari sa kanya dahil sa sigarilyo. That way maiiwasan mo. Smoker din ako. From 15yo hanggang 19 yo bago ko nalaman na buntis ako naninigarilyo ako pero i quit as soon as nagdalawang linya yung pt ko. Iniisip ko kasi na sya ang mahihirapan kung hindi ko ititigil. Iniwasan ko din maexpose sa amoy ng sigarilyo.
Sa mga matagal ng nagyoyosi siguro talagang mahirap iistop yang bisyo na yan. Pero kung mahal mo baby mo and gusto mong lumaki siya ng kumpleto and hindi mahina resistensya. You will stop kahit pa maglaway ka ng bongga sa kakahanap sa yosi. :) hanap ka nalang po ng food na pwede mong pagkaabalahan. Kahit usok ng yosi hindi pwede sating mga preggy, so what more if ikaw ang nagyoyosi. Kayanin niyo lang po. :)
Mindset lng yan..napakalakas ko magyosi bago ko.mabuntis..nung nalaman kong buntis ako instantly nagstop nako magyosi. Mula ng mabuntis ka, lahat ng gagawin m ay para sa anak mo na at ang baby ang pinkamahalaga kaya forget ur personal desires muna hanggang makalabas na sha. Kaya mo yan! Isipn mo lang gaano kaliit ung lungs ng anak mo para makalanghap o ingest ng nicotine na mabaho at sobrang tapang.
Smoker din ako dati sis kasi callcenter agent ako pang tanggal stress sa trabaho lang. Pero nung nalaman kong buntis ako 8weeks na yun and naging maselan kasi pang amoy ko ayaw ko ng mababaho at mas lalo nandidiri ako pag mabaho. Tinigil ko pag yoyosi ko kasi ambaho na and nag susuka ako pag nag yoyosi ako. Kaya ngayon yung partner ko pag nag yoyosi lumalayo sa bahay para hndi ko ma amoy.
nagyoyosi din ako dati but the moment nalaman ko, tinigil ko agad, pati hubby ko tumigil kasi bawal ako mkalanghap ng smoke, kung magyoyosi man sya don sa malayo saakin. isipin mo nalang yung baby mo, maawa ka sa anak mo, un lang nman un. uunahin mo pa ba bisyo kesa kalusugan ni baby? pag may problema yan sa kalusugan ikaw din mahihirapan later on. so stop na. alam mo na yan dapat.
Mindset !!! Help from your partner . Kami ni hubby smoker kami pareho pero simula nung nabuntis ako hnd na sya nag papakita skin na nag yoyosi sya . Kahit yosi nya sa bahay tinatabi nya . Nakaya ko itingil ng biglaan . Inisip ko rin yung risk sa bata . 2hrs kung hnd pinapalapit asawa ko sakin after nya mag yosi para sure na wala ng amoy
Anonymous