Paano agad mabuntis? I'm 32 and I have a live in partner for 5 yrs but we don't have a baby...

Pano agad mabuntis?

28 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy! before i had 7years relationship with my ex, nagtatry kami makabuo pero sadly hindi kami biniyayaan. Akala ko dati ako may problema😅 pero hindi. Now I'm currently 8months pregnant with my new partner and happy kami, Idk kung totoo yung sinasabe ng iba na kapag hindi kayo compatible ng ka partner mo hindi kayo makakabuo. Pero malay mo mi! Pray lang atsaka siguro dapat healthy habit, try po magpa consult sa ob at uminom ng medicines, dati nag ggluta caps ako eh & collagen feeling ko nakatulong yon as per napanuod ko rin sa yt na madali rin makabuntis kapag nag ttake ng gluta capsules.

Magbasa pa
12mo ago

Opo mi, depende nalang din po kung may problema yung sa partner mo. My kakilala kasi ko puro long term relationship siya pero hindi siya nabubuntis hindi ko sure kung baog😅 or sadyang hindi sila compatible ng nagiging partner niya.

kami mii, 10 years na namin tinatatry tapos sabi ng matatanda ihingi namin blessing para sa kasal, kaya last year nagpakasal kami mii. tapos nagpacheck up kami, umiwas sa stress before kasi talaga super stress out ako, then nagtake kami ng folic at binantayan talaga namin sa app/tracker yung ovulation days, now 5 months na po for our first baby. dati umiiyak talaga ako for negative pt nadedepressed ako whenever i do test tapos negative. Pero i tried my best to change my mindset and be more positive and healthy. Pray, Consult, Lifestyle and faith po. Hugs po... miracle takes time 🥰🫂

Magbasa pa

Consult your OB baka meron mali sa inyo mag partner para ma guide kayo. Kami din ni hubby 6years muna bago kami mabiyayaan ng baby. Nag resign ako sa work, balance diet, exercise, take vitamin C . At nag track ng cycle ko gamit yung FLOW na app. para malaman namin ang high chance na ma preggy ako dun kami ni hubby nag sexy time. Sa awa ng diyos after 4 months of trying simula binago ko lifestyle ko nabiyayaan kami w/o consulting OB ngayon 7 months na baby ko. Pero 6weeks pregnant palang ako dun na ako nag paalaga sa OB ko. Hope it helps ! Goodluck and god bless

Magbasa pa

ako mi 9years kami bago ako nabuntis , nag stop lang ako sa sigarilyo and alak and nagtake ako ng lumina capsule and collagen ( pang pabloom lang talaga ang plano ko but nagulat ako nabuntis ako) diko alam if may kinalaman yun kaya nabuntis ako but yun lang talaga ang tinake ko and nabuntis ako but nakunan din ng nov last year And nabuntis ulit ng dec and now nakapanganak nako mag 1 month na si baby ko. try mo mi ala naman mawawala. almost 4months ako continues umiinom nun then nabuntis ako.

Magbasa pa

patingin po kayo sa ob and live a healthy life po. 😊 hindi din po ako nagbuntis agad noon pero mula nung nag work ako and sa work ko mejo na-exercise tlga ako, then iwas softdrinks, etc. then yun nagbuntis na ako. pero i think pinakamalaking factor yung will ni Lord tlga. pray ka lang ng pray. hingi ka wisdom kay Lord. tpos di mo namamalayan na sinasagot nya na pala yung prayers mo.

Magbasa pa

hi po ako 7 years n kami ni hubby pero di padin ako ma buntis akala namin may sakit n kami but nag take po ako ng folic acid for 4months and stellar glow nkaka 11 caplets palang po ako and exercise po and nag stop po ako sa coffee uminom and sa matatamis po and pray ka po lagi ki papa god ❤️ 🙏🏻and now po im 11 weeks pregnant n po

Magbasa pa

mas mainam po kung magpa check up kayo pareho ng partner mo para malaman kung may problem kayo or wala. para matulungan din kayo ni ob kung ano ang dapat niong gawin. 1yr mahigit na kami ng husband ko noon di pa kami nagka baby,nagdecide na kami pa check up, wala naman kami problem pareho. may nireseta at advice lang ang ob ko noon.

Magbasa pa

Hi mommy I'm 31 & had a miscarriage last 2022. since TTC ulit kami ni hubby hindi na ko nagkape. Nagtake ako glutathione kasabay ng folic acid. Then fern D at myra E sa gabi. Si hubby nagtake sya ng rogin E then after makaubos ng 1bottle nagswitch sya to conzace. 3mos. preggy na po kami now. hope this could help. 😊

Magbasa pa

better na mag pa check kau if kung may problema ba sa inyo kase kami ng hubby ko 3 years bago magkaanak eh single mom na ako nun kaya nag taka kami kase nde kami makabuo un pla mahina lng sperm count ng hubby un may pinainom sa kanya within 1 month then nag myra e kami dalawa at 2 months lng buntis na ako

Magbasa pa

sis kami rin, 4yrs kami bago nabuntis. effective po samin yung sayaw sa obando sis. after ilang months nabuo po si baby. tapos po sabay na rin sa passionate na lovemaking po siguro. hindi yung pagod ang isa or pagod kayo pareha. pahinga po para conditioned ang body.