konting advise lang po mga momsh π
Pangatlo na po itong nasa tummy ko normal delivery naman po ang dalawa kaya ang plano ko is magpaligate na po diretso after ko manganak. May nag advise po sa akin na mag pa CS nalang daw para isang hiwa nalang at hindi na ako mahirapan sa panganganak. Parang gusto ko rin po kasi para isang confinement nalang at isang hirap nalang dahil problema ko ang makakasama ko sa bahay after manganak nakiusap lang ako sa kapit bahay namin na kapag nanganak ako sya muna tingin sa 2 kids ko dahil ang asawa ko ang magbabantay sa hospital. Dahil parents ko nasa province kaya wala talagang ibang maasahan. Ano po kayang magandang gawin para makatipid at para ndi na madalawang balik sa hospital para magpaligate. Sino dito yung normal delivery nanganak then sinabay na yung pagpapaligate?
Mum of 2 bouncy cub and the other one still in my tummy?