Last Name

pangalawang pregnancy ko na po to, di pa po kmi kasal ng partner ko. Nakaapilyedo po sa partner ko 1st baby namin, tanong ko po is macacarry pa po ba ng second baby po namin apilyedo ni Partner ko po o need na po pakasal

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hi pwede parin po i carry ni 2nd baby yung last name ng partner mo same issue as mine 2 nadin baby ko nagamit parin ng baby ko yung last name ng partner ko basta pirmahan ni partner mo yung paper for using his last name

kapapanganak ko lanh po last month and nirequire po kami magpagawa ng affidavit na willing si partner na ipagamit last name kay baby. pero nung 1st baby nmin nung 2015 wala nmang affidavit n nirequire.

5y ago

San po pude magpagawa ng affidavit of acknowledgement?

yes naman po acknowledgement lang ni partner mo kailangan...wala naman bilang kung ilang anak lang ang pwede gumamit ng last name ng tatay basta may pirma sya dun

may part sa birth cert na acknowledgment ng paternity if di kasal. ang pagkakaalam ko if pirmado yun ng partner mo, pwede gamitin ni baby surname ni partner mo.

pwd po bsta my affidavit of paternity at need pa ipa notary sa abogado. yan kc gnwa ng hubby q sa 3rd baby nmin. nung feb lng aq nanganak.

basta po may consent ng father, wala naman limit kung ilan aanakin nyo kahit di kayo kasal. importante, consent nya.

Yes po basta pipirma ulit si hubby sa birth certificate ni baby and karapatan din po ng baby mo ..

yes po iyong kapatid ko din ayaw pa magpakasal eh 3 na anak nila sa lalaki p rin po surname..

pipirma po ulit sya ng acknowledgement sa birth certificate para madala yung apelyido nya.

yes po momsh rights po ng anak natin icarry surname ng tatay nila kasal man o hndi.