OA daw akong nanay ?

palabas ng sama ng loob mga mamsh. sabi ang OA ko daw kasi konting sakit lang daw ng anak ko dinadala ko na sa doctor nya. kunware mga mamsh pag naka 3 days na nilalagnat si lo kinabukasan nakacheck up na kagad sya sa pedia nya o kaya kahit 2 days lang basta umabot ng 40°C dinadala ko na sya sa pedia nya kasi takot ako baka mag kumbulsyon sya lalo na sa gabi baka mamaya mapasarap tulog namin di namin mapansin si lo. katwiran ko po kasi di na baleng gumastos ng maliit kesa antayin ko pang lumala bago ako gumawa ng aksyon. turning 2 palang po lo ko. yung anak po kasi nila pag nilalagnat at inuubo pinupunasan lang nila tapos ipapahilot hanggang gumaling turning 7 na lo nila. ayoko namang ganun kasi andaming sakit ngayon na naglalabasan. Pagiging OA na po ba yun mga mommy?

52 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi yun OA, tama lang ginagawa mo kasi may mga sakit na lumalabas ngayon na akala natin simpleng lagnat lang. Hayaan mo sila, hindi naman sila yung nagpapacheck up at nagastos sa baby mo. Baka wala lang din silang pangcheck up or hindi nila kaya magpacheck up ng anak nila kasi nanghihinayanga sila.

Magbasa pa
6y ago

Yes mommy tama na ipacheck up natin agad lalo kapag lagnat or paghinga ni baby ang prob. Hindi din kasi nagsasalita ang baby kya d natin malalaman sakit or masakit sa kanila. May nabasa lang din ako na article yung baby nagka diarrhea tapos pinacheck up nila sabi ng doctor iritable bowel syndrome lang sakit. Mga 2 or 3 days ata nakalipas namatay yung baby kasi may cancer pala dun sa nagcconnect sa daanan ng pupu.