Poops ni baby

Oct 28- nag poops si LO Oct 29-31 di dumumi si LO Oct 31- dinala namin sa pedia sabi obserbahan lang daw pag di pa din nagpoops si LO kinabukasan lagyan na daw namin ng suppository Nov 2- nilagyan namin suppository and nakapoops na din si LO Nov 3-5 di ulit nag poops Nov 6- nag poops si LO pero kiniliti namin pwet nya kaya sya nakapoops Nov 7 until now hindi pa din ulit sya nakakadumi. Mga sis normal lang po ba tong nangyayari kay LO ko? Premature baby din kasi sya and 25days old plang sya. Pure breastfeed din po si Lo ko. Pure breastfeed din po si LO ko.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ohh parang si baby. Tatae ngayon 2-3days hindi. Tas dudumi ulit di nanaman mag poops normal lang naman un sis. Di kme sinasanay ng pedia namen sa suppository dahil trauma sa bata un.. Wag ding kilitiin ang pwet. Hilutin mo ung tyan iloveyou massage and bicycle massage.. And kung nasa tamang buwan na si baby para kumaen papaya at 2oz water everyday walang labis. Baby ko everyday na nag poops basta ganun lang ppag di sya nakatae ngayon i loveyou and bicycle massage lang may suppository kme dito pero diko ginagamit. Tatae nga ang bata pero mag kakatrauma sya kaka salpak ng gamot sa pwet nya. Dapat daw alamin kubg bakit di nakakatae. Magiging independent sya sa gamot pag laging sinasalpakan ng supository

Magbasa pa
VIP Member

Yes po mommy normal lang po sa mga new born baby na hindi magpoop lalo na po kung pure breastfeed. Ganyan din lo ko dati inabot pa nga siya ng 5days na hindi nagpoop. Sabi ng pedia ko normal lang po yun basta breastfeed sundutin na lang daw ng cotton buds para makiliti kaya ayun pero minsan nangyayari ulit na ilang araw bago siya magpoop

Magbasa pa