Stressed si Buntis

Palabas naman ng sama ng loob mga mamsh. Di ko na keri. Nasstress ako habang papalapit yung panganganak ko. Currently 36 weeks and 6 days preggy ako with our baby boy and until now mukhang walang balak si partner na magtabi man lang para sa panganganak ko. May pera naman ako, pero nakakainis lang kasing makita na sobrang iresponsable nya pagdating sa pagbubuntis ko. Halos every week eh umiinom sya at kagabi lang nag-usap kame at sabi nya, nangutang daw sya sa company nila kasi ipapaayos nya yung motor nya?! Naloka ako. Yun talaga inuna nya?! Ang hilig hilig din nya magpabili sakin ng kung anu-ano, recently lang 2 shirts worth 600 pesos each. Both working po kame at nakuha ko na yung SSS matben ko worth 70k pero dahil madami kaming loans 15k nalang ang natitira ngayon. Akala ko once mas tumaas sahod nya eh mamomotivate syang mag ipon at tumulong sakin pero pakiramdam ko pasan ko lahat. Yung mga loans namin hindi ako ang gumamit ng pera kaso sakin nakapangalan kase mas madali ako maapprove ng banks. Sa umpisa sasabihin nya sya magbabayad tapos pag nanjan na yung bayaran eh sasabihin nya wala na syang pera. Ilang beses na namin napag awayan yung pera, gang ngayon parang di sya natututo. Nasaktan din ako sa tono ng pananalita nya na parang gusto nya magbalik trabaho agad ako after kong manganak. Need help mga mamsh! Pano nyo hinahandle yung ganitong partner? Pag nag aaway kame lagisyang naghahanap ng comfort sa ibang babae. Di ko na alam pano ibibring up yung ganito sakanya kase nauuwi lagi sa away at feeling nya eh minamaliit ko sya.

46 Replies

Mbuti pong pgusapan nyo dalawa yan. Sbhin mo na according sa knya sya ang mgbbyad kaya pumayag ka. Mhirap po mgsama kung pera pa lang pinagtatalunan na. Kaya mgisip isip ka po mbuti mommy

Napakaimmature at iresponsable naman nyang mister mo! Kung ako sayo nilayasan ko na yan nakakainis dapat maintindihan ka nya pati mga pangangailangan mo i provide nya kase buntis ka.

VIP Member

Unahin mo baby mo at sarili mo mommy. If you can leave him now, do it. Baka pag labas ni baby unahin pa nya uminom kesa tulungan ka magalaga.

Swerte ko nalang at di ganyan ang partner ko. Kahit gamer ng dota, PUBG etc. di nakakalimutan ang responsibilidad sa aming mag-ina niya ☺

advice po kailangan nya hindi ung sarili mong experience. kaloka ka. Edi ikaw na may good partner.

pag gnyan matic na hati sa gastos sa bhay pta fair, tsaka tapatin nyo po sa responsibilidad nya, kung ayaw , wala ng pag asa yan

grabe partner mo sis kung ako sau himiwalayan konn yannkahit wala ng tatay ang baby konkesa ganian ang ugali d nagbabago

Grabe nmn sis.. Pero dont stress yourself to much.. Pray lang. Ask lang bakit pla nakuha mo na agad matbenifit mo?

inaadvance po sa company namin ang pagbibigay ng matben. 1 month before ng due date binibigay na nila. bale sila magbibigay tapos after mo manganak, need mo isubmit yung Mat2 para mareimburse sila ng SSS.

Momsh ang toxic ng partner mo promise! Napaka iresponsable. Sorry to say pero wala kang future sakanya.

Iniwanan mo yan sis ng wala kanang stress sa buhay.. saka muna samahan ulit pag makita mong nagbago na sya..

Naku,matutuwa p yan sis ganyang klaseng lalaki,kc nagpapa comfort nga sya sa ibang babae kong nag aaway cla,alam na this,,,pangeet kc ganyan pwerket nag aaway lang kau ng asawa mo magpapacomfort k kaagad s ibang baba,pwed nyo namn pagnusapan dlwa mag asawa,kong mali b un,or nasasaktan sya s cnsabi ng bawat isa,kapag ka ganyan ndi na masaya pagsasama...

VIP Member

Naku mamshi habang buhay na yan ganyan.. ganyan un asawa ng ate ko. Napaka iresponsable anak lng ng anak..

ang hirap nga po eh. actually third baby na namin. naghiwalay narin kame noon ng 4 years. akala ko nagbago na sya. Best foot forward lang pala nung nakipagbalikan sakin. 😭😭😭 Parang worse pa nga nagyon kase naging sobrang pala asa sya sakin financially.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles