nakakatampo..

palabas lang mga mamsh.. nagtatampo ako sa partner ko pero di ko masabi sa kanya.. ung bonus at 13th month nya kase pinambili nya ng ps4, monitor at mga cd.. though nagagamit naman namin yung pag pinarentahan namin.. tsaka nabili din nya ng mga damit pang xmas party yung mga junakis namin at naipasyal nya kami.. kaso parang di nya naiiisip na 10weeks na lang manganganak na ko pero wala pa kaming ipon pampaanak.. wala pa ring gamit si baby.. umiiyak na lang ako ng di nya alam kase nasstress ako pag naiisip kong malapit na ko manganak pero wala pa kaming gamit.. di na rin sya nag iiwan ng pang gastos sa bahay kase may pera ako sa kinikita ko sa pag oonline selling.. isa pa yun sa kinakasama ko ng loob, di naman malaki kinikita ko at pinapaikot ko pa yung pera.. gusto ko rin sana makaipon pang savings ng nga bata.. kaso nagagastos pang ulam at pambili ng kung ano ano para sa bahay.. ayaw ko naman syang pagsabihan tungkol dito kase alam ko mag aaway kami.. pag nag aaway kami sinusumbatan nya ko sa lahat ng ginagastos ya sa bahay, kaya hanggat kaya ko magsheshare ako sa kanya.. obligado ako na magshare ng gastusin pero di ko sya maobliga na tulungan ako sa mga gawaing bahay.. napapagod din ako mamsh.. lagi akong stressed pero ayokong ipakita.. napapansin nya siguro minsan na malungkot ako pero di nya alam na iniiyakan o lahat ng nangyayari.. masaya naman kami.. ako lang talaga siguro may problema kakaisip ng kung ano ano.. ayoko syang pakelaman sa pera nya kase pinaghirapan nya yun.. pinagtrabahuhan nya lahat yun.. deserve nya din na bilin nya mga gusto nya.. pero ako mamsh? anong deserve ko? weekly akong pupuntang divi kahit minsan dinudugo ako para lang kumita ako at magkaron ng sariling pera.. kase di naman na ko nanghihingi sa kanya.. pag gutom ako, pag kailangan ko ng gatas, nagagamit ko din pampacheck up yung mga kinikita ko.. wala akong sariling celfon.. habang sila busy sa mga gadget nila ako busy sa gawaing bahay at pag aasikaso sa pagbebenta ng kung ano ano.. parang ang unfair dba?

94 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Buti nalang yung husband ko lagi akong tinatanong kung may pera pa ba ako kapagunti nalang bigyan na nya ako kahit wala naman ako halos pinaggagastusan

5y ago

Ganto din si LIP. Alam nya kung may pera ako o wala at minamakesure na iniiwanan nya ko ng pera sa wallet kht wala naman ako gagastusin sa bahay

Kausapin mo po lip mo para my sulotion sz problem nyo... Dpt sa isang mag asawa pinag uusapn laht ng bagy para Di kau mag away..

better po pag usapan nyo mabuti... explain mo mbuti kay hubby mo be wise po, mhirap ang buhay...needs before wants momsh😊...

Sis sabihan mo sya hindi pwedeng ganyan at baka kung ano pang mangyare sayo wag kang iyak ng iyak at makakaapekto kay baby

VIP Member

May punto ka naman mommy 😣 wala namang masama kung pag sabihan mo mr mo tungkulin nyang mag hanap buhay ara sa pamilya

VIP Member

Mas better naguusap po kayo ng ayos. Mag open ka po sakanya tutal kya nga kayo partner e tulungan po dapat ☺️

Communicate ka sa husband mo sis ng mahinahon mahirap sariliNin ang nararamdaman mo kawawa si baby sa tummy mo

VIP Member

warninganmo xa mamsh, ipakita mo n matapang ka dn. para yan s anak mo, namimihasa yang asawa mo eh

Obligasyon niya kayo kaya wag ka mahiya. Find a better word to lessen ang chance na mag away kayo.

muomsh, mas better napag uusapan kesa kinikimkim mo. mahirap ma bottled up ng feelings.