nakakatampo..

palabas lang mga mamsh.. nagtatampo ako sa partner ko pero di ko masabi sa kanya.. ung bonus at 13th month nya kase pinambili nya ng ps4, monitor at mga cd.. though nagagamit naman namin yung pag pinarentahan namin.. tsaka nabili din nya ng mga damit pang xmas party yung mga junakis namin at naipasyal nya kami.. kaso parang di nya naiiisip na 10weeks na lang manganganak na ko pero wala pa kaming ipon pampaanak.. wala pa ring gamit si baby.. umiiyak na lang ako ng di nya alam kase nasstress ako pag naiisip kong malapit na ko manganak pero wala pa kaming gamit.. di na rin sya nag iiwan ng pang gastos sa bahay kase may pera ako sa kinikita ko sa pag oonline selling.. isa pa yun sa kinakasama ko ng loob, di naman malaki kinikita ko at pinapaikot ko pa yung pera.. gusto ko rin sana makaipon pang savings ng nga bata.. kaso nagagastos pang ulam at pambili ng kung ano ano para sa bahay.. ayaw ko naman syang pagsabihan tungkol dito kase alam ko mag aaway kami.. pag nag aaway kami sinusumbatan nya ko sa lahat ng ginagastos ya sa bahay, kaya hanggat kaya ko magsheshare ako sa kanya.. obligado ako na magshare ng gastusin pero di ko sya maobliga na tulungan ako sa mga gawaing bahay.. napapagod din ako mamsh.. lagi akong stressed pero ayokong ipakita.. napapansin nya siguro minsan na malungkot ako pero di nya alam na iniiyakan o lahat ng nangyayari.. masaya naman kami.. ako lang talaga siguro may problema kakaisip ng kung ano ano.. ayoko syang pakelaman sa pera nya kase pinaghirapan nya yun.. pinagtrabahuhan nya lahat yun.. deserve nya din na bilin nya mga gusto nya.. pero ako mamsh? anong deserve ko? weekly akong pupuntang divi kahit minsan dinudugo ako para lang kumita ako at magkaron ng sariling pera.. kase di naman na ko nanghihingi sa kanya.. pag gutom ako, pag kailangan ko ng gatas, nagagamit ko din pampacheck up yung mga kinikita ko.. wala akong sariling celfon.. habang sila busy sa mga gadget nila ako busy sa gawaing bahay at pag aasikaso sa pagbebenta ng kung ano ano.. parang ang unfair dba?

94 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Napaka unselfish tlaga pag naging nanay na 🙁🙁 kausapin mo si hubby mo mamsh. Iopen mo yan. Ako naramdaman ko din yan nung malapit na ko manganak sguro 6 mos or 7 mos. D ko alam pano ko ssbhin sa asawa ko na wala akong ipon. Pro one time sya na nagtanong kng may savings ba ako and I honestly answered him na wala. As in wala. Zero. Naubos sa pag purchased ng gamit ni baby. After nun sya na sumagot lahat ng gastos ko from check up, vits., delivery. And sya pa pumili ng hospital kng san ako manganganak. I prefered sa public lang sana kse iniisip ko gastos nya, pro he insisted na sa private, ayaw nya icompromised safety namin ni baby. Kausapin mo lang sya mamsh. Yung mahinahon. Iopen mo lang out of nowhere na malapit kana manganak, wla pa gamit si baby etc. D ka naman na iba sa kanya e. Asawa ka nya. 😊

Magbasa pa
5y ago

gusto ko kase sana marealize nya lahat.. kung ano mga pangangailangan ng buntis ganun.. ako din iniinsist ko na sa public or lying in nlng.. para makabawas sa gastos nya

Talk to him in a very calm way po for sure maiintindihan ka nya, baka kulang lang kayo sa communication mommy baka akala nya since may income ka nga kala nya sapat na yun which is wrong talaga kase dapat magkukusa din sya. Hindi biro yung gagalaw galaw ka while pregnant. Yung LIP ko since mag bf/gf palang kami yung income nya talaga alam ko na then kahit same kami may work dati nung hindi pa ako buntis binibigay nya na talaga saakin yung lahat ng sahod nya ako may hawak lahat ng mga atm cards nya ngayon kaya lahat ng pera nya bagsak talaga saakin lahat pero kung may gusto naman sya binibili ko sya kase deserve nya yun kase sobrang masipag nya. Kaya mommy kausapin mo lang yan lalambot yan for sure love ka nyan kaya iintindihin ka nya 😊

Magbasa pa
5y ago

tinatanong naman nya ko kung ano mga kailangan ko.. binibili nya ko ng vitamins etc.. ako lang din minsan yung tumatanggi dahil takot masumbatan.. nahihiya din ako kase magastos ung mga check up ko dahil sensitive pag bubuntis ko ngayon

:( same case with my sister. Siya lang nagtatrabaho at husband nya nasa bahay lang palaro-laro, panuod-nuod, magiinternet, kain, tulog. Walang alam gawin sa bahay kesa may kasambahay na ate ko rin nagbabayad. Hindi nag-aalaga ng mga bata, hnd mapakain, mahatid sa school at etc. Pagdating ng ate ko hnd makapahinga kasi kailangan pang magluto, asikasuhin mga bata, tuturuan pa ng assignment. Walang trabaho ang asawa pero sunod sa luho, lagi bago cellphone, may kotse, binilhan pa ng laptop pang-games, nag-ggym 😂 juskolord pag sahod mas nauuna pangbumili ng pangOOTD nya. San kapa. 😂 buti yung husband mo mommy may trabaho eh yung ate ko nagtatrabaho para sa luho ng asawa 😂 hayys kelan kaya matatauhan yun.

Magbasa pa
4y ago

Kasalanan yan nang ate mo ginawa niyang ganun asawa niya hahahaha walang pakinabang

Mommy Hindi totoong ikaw Lang may problema. Once mag asawa Kayo lahat Ng meron Kayo share dapat. Hindi maganda ung susmbatan ka nya kasi obligasyon nya na buhayin Kayo.. mag usap kayo Ng maayos. Dapat Alam ni mister Ang priority nya at Hindi ung uunahin nya mga luho. Samin Ng mister ko ako pa nahihiya Kasi Panay bili sya Ng gamit ko at Ng panganay ko (not his biological son) sapatos, laruan, damit ko, tapos sya Wala pang nabibili para sa kanya. Sya Lang nag work nag aaral ako ngayon preggy na ako sa anak namin. Pero pag sinasabi ko sa kanya sasabihin nya okay Lang sya, simpleng lalaki Lang daw sya Basta busog sya araw araw okay na sya. Ganun dapat Kasi talaga Ang nagpapamilya.

Magbasa pa

Bute nlang d ganyan asawa ko sakin,lahat ng sahod nya binibigay nya sakin,pwera lng sa mga kinikita nya sa mga sideline nya,knya na un para may pera sya,pero uung kinikita nya sa sideline binibili nya parin ng pagkain nmin ng anak ko,o kung anong needs nmin,kya wla din.sabi nya kya daw sya ngsasideline pra din samin.pag may time na nkikita nya akong parang may iniisip,kinakausap nya ako kung bkit..ayaw nya akong tantanan hanggat dko masabi sa knya kung bkit.hanggat sa nanganak ako sa panganay nmin dati sya pa nagpupursige skin na bili kmi ng ganito gnyan para sa panganay nmin,ganun din siya sa bunso nmin ngaun...aist kausapin mo asawa mo sis,mag usap kau ng masinsinan..

Magbasa pa

Sis buti nga at may napunta pa sa mga anak nyo. Yung sa lip ko sis, palibhasa may mga anak talaga sya dalawa tapos nagka baby kami. Yung 13th month nya pinapang gastos nya lang sa dalawang anak nya binilhan na nya ng kung ano ano o pamasko ba ganun Tas yung baby namin hindi man lang sya nag aabot pa ng pang gatas at diaper man lang. Hinahayaan nya kong bumili ng gatas at diaper iniicp nya cguro may pera pa ko galing sa mat ben ko. Kung iicpin dapat naisingit na nya sa budget nya yung pang gatas at diaper ng baby namen.. di lang ako makapag salita pa sa kanya kasi ayoko naman na pag awayan lang din namin

Magbasa pa
5y ago

Sa ngayon dto ko sa mother ko, sya naman dun sa apartment na dun din dapat naman ako mag stay kasama ng baby ko kaso wala akong makakasama dun pag papasok sya sa trabaho. Iba parin pag nasa nasa parents tayo lalo at bagong panganak..

Mas okay po kung open kayo kay mister nyo mommy 🤗 kahit anong mangyare sumbatan ka man atleast ininform mo sya kung anong nafifeel mo kasi at the end of the day kung pipiliin nyang intindihin ka iintindihin ka nya 🤗 ganyan kami dati ng asawa ko, sya puro gastos sa gusto nya though binibigyan nya naman ako kaso nagagastos ko din pambayad sa mga gastusin. Ngayon nag oonti onti na kami ng mga gamit, I let him interact with our baby inside my womb . Natutuwa sya pag nagrerespond si baby through kicking and narerealize nya mga need ni baby and ako. So yun be open, masamang kinikimkim yung problema

Magbasa pa

Nako po..irresponsable naman po asawa niyo ..kausapin niyo po siya . sbhn mo sknya sana dkanlng pumsok sa gnyan sitwasyon kung dkapa tapos buhay pagka binata nako po nakakastress naman po talaga pag gnyan .. Yan snasbi ko sa mister ko if may d ako nagustuhang gnawa niya pero much appreciated kasi mas matpid sya skn.hahahah.. Wala po ba kayo nakuha sa maternity loan? Un po kasi gnmt nmin at the rest tinabi na namin sa mga ssunod na expnses ni baby at ung shod niya un ang gngstos namin for us at sa ibang bill. Kausapin mo lang sya matiwasay momsh . ano pat marerealize niya din un .Godblesa sa baby mo.

Magbasa pa
5y ago

ayoko lang na mafeel nyang kinocontrol ko sya.. para wala kaming pag awayan.. pero minsan itatry kong sabihin pag sumobra na hehe

VIP Member

Ako nga po nung buntis pinaka-malaki niyang padala sakin e 10k ata isang beses lang yun at malapit na manganak, yung iba dun pinambili ko ng gamit ng baby. Kada check-up ko 3k nauubos. Buti ka nga ma, merong online business ako kasi wala talaga. Nahihiya nalang ako sa asawa ko pero ayaw naman nya ako pagtrabahuhin jusko po. Ang problema ko lang e walang magaalaga sa anak ko kapag nagtrabaho ako. Pero ingat ka parin. Lalo pa yan dinudugo ka, delikado. Pag-usapan niyo ni partner yan, likas na din na masyado madamdamin ang mga buntis, ipaintindi mo sa kanya yung nararamdaman mo.

Magbasa pa

Sus mas malala sa akin ni singko hindi ako binibigyan ng asawa ko siya pa my hawak ng pera namin ako ala nag aalaga lang ng bata nung my trabaho ako although di niya pinapakileman ang suweldo ko pero ni isa sa bahay ala siya conteibute nagkaruon kami aircon,washing machine,disfencer laht sa kain nung nagtrabaho kami in short KURIPOT di mo naman masasabi na galante nung nagkaanak kami ultimo sa anak kuripot pa rin mag 3 mos na anak ko lahat ng gamit galing sa hipag ko at sa mama ko di magkakaruon ng bago ang anak ko kung di pa ako gagawa ng diskarte naaawa ako sa anak ko

Magbasa pa