nakakatampo..

palabas lang mga mamsh.. nagtatampo ako sa partner ko pero di ko masabi sa kanya.. ung bonus at 13th month nya kase pinambili nya ng ps4, monitor at mga cd.. though nagagamit naman namin yung pag pinarentahan namin.. tsaka nabili din nya ng mga damit pang xmas party yung mga junakis namin at naipasyal nya kami.. kaso parang di nya naiiisip na 10weeks na lang manganganak na ko pero wala pa kaming ipon pampaanak.. wala pa ring gamit si baby.. umiiyak na lang ako ng di nya alam kase nasstress ako pag naiisip kong malapit na ko manganak pero wala pa kaming gamit.. di na rin sya nag iiwan ng pang gastos sa bahay kase may pera ako sa kinikita ko sa pag oonline selling.. isa pa yun sa kinakasama ko ng loob, di naman malaki kinikita ko at pinapaikot ko pa yung pera.. gusto ko rin sana makaipon pang savings ng nga bata.. kaso nagagastos pang ulam at pambili ng kung ano ano para sa bahay.. ayaw ko naman syang pagsabihan tungkol dito kase alam ko mag aaway kami.. pag nag aaway kami sinusumbatan nya ko sa lahat ng ginagastos ya sa bahay, kaya hanggat kaya ko magsheshare ako sa kanya.. obligado ako na magshare ng gastusin pero di ko sya maobliga na tulungan ako sa mga gawaing bahay.. napapagod din ako mamsh.. lagi akong stressed pero ayokong ipakita.. napapansin nya siguro minsan na malungkot ako pero di nya alam na iniiyakan o lahat ng nangyayari.. masaya naman kami.. ako lang talaga siguro may problema kakaisip ng kung ano ano.. ayoko syang pakelaman sa pera nya kase pinaghirapan nya yun.. pinagtrabahuhan nya lahat yun.. deserve nya din na bilin nya mga gusto nya.. pero ako mamsh? anong deserve ko? weekly akong pupuntang divi kahit minsan dinudugo ako para lang kumita ako at magkaron ng sariling pera.. kase di naman na ko nanghihingi sa kanya.. pag gutom ako, pag kailangan ko ng gatas, nagagamit ko din pampacheck up yung mga kinikita ko.. wala akong sariling celfon.. habang sila busy sa mga gadget nila ako busy sa gawaing bahay at pag aasikaso sa pagbebenta ng kung ano ano.. parang ang unfair dba?

94 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mommy gat maaari pg.usapan nyo mga bgay bgay.. kc bka nabgla lng dib c partner mo! kc aq thankful nmn na d gnyan mg.isip partner q.. kaht ang hilig nya mgtravel at mamhaling sapatos.. pro nung nlaman nyang buntis aq lhst gnive up nya aq na nga ngsasabi na bumili din xa pra kaht papanu pro xa na ung ayaw na muna kc pg.iipunan nya ung gamit at panganganak q.. ni gala o travel na inaaya xa, ala na kc kmi na dw priorities nya.. mgagawa dw nya un pglumabas na c baby at kmi mgkakasama.. sobrang Blessed nman aq sa partner q na d isip bata..

Magbasa pa

ok lng yan ako nga po yung bonus at 13th mont ko binang bayad ng motor namin 6weeks nlng manga nganak nko wla po kht piso na ipon ou nkakaiyak tlga sobra skit sa pakiramdam na unang bhaby ko diko mabili yung gusto ko sobrang skit sa pakiradam ko pero kaylangan ko tumulong sa hubby kulang tlga kme sa budget kya tiis tiis lng muna ko ๐Ÿ˜”๐Ÿ˜”๐Ÿ˜”ayoko nga tumigil s work pra mka ipon at mka bili ng mga gusto ko pra sa bhaby ko pero kaylangan kuna mag leave napapagod na masyado katwan ko bka c bhaby mapanu๐Ÿ‘ถ๐Ÿ˜” kya nag leave nrin ako

Magbasa pa

Same tayo momsh 10 weeks n lng manganganak n ko ngayon p lng ako naghahanda at namimili ng gamit, wala nmn binibili kung ano anong luho si hubby sadyang marami lang gastos sa 2 older kids nmin parehong private school kase. Nakaka depress na wala p sa 10k ipon nmin pampaanak (tho may makukuha nmn ako sa sss) kabado prin ako. Di nmn ako makapagreklamo kase sa makabuluhan nmn napupunta sweldo ng asawa ko. Ganun dn katulad mo nagagalaw ko ung pera ko sarili galing sa panindang Kong desserts pag kinukulang

Magbasa pa

Ako den sobrang hiyang hiya kong manghinge ng khet pampacheck up ko .. minsan pag nag bbgay sya inuunti unti ko yung gamit ni bby 9weeks na lng lalabas na sya pero hndi pden kompleto gamit nya .Yung pampacheck up ko sagot ko pati vitamins . Mas okay pa cguro sknya na mag bgay sa magulamg nya kesa tulangan ako sa gastusin .. Ayoko den magsalita kc alam ko magttalo lng kme . dumating pa sa point na nov sya nag bgay pero december n hnahanap nya pden yung bnigay nya . Sobraang nkakasama ng loob !

Magbasa pa

Alam mo qng sinong me Problema Ikaw!.. bakit? ksi hinayaan at hinahayaan mong ganyan sya...na nasstress kna ayaw mopa din e open sknya narramdaman mo so anong silbi ng pagging asawa mo qng hind mo msabi sknya mga hinaing mo lalo molang sinasanay Asawa mo na ganyanin ka when it comes sa pera.sorry ha pero ikaw siguro ung tipong pag nag advise sau hind modin papakingan or susundin ksi hangang don knlang sa Nagtampo ka saknya pero ayaw mong gumawa ng aksyon pra mabago yan

Magbasa pa

Hala ka. Dapat sinusuportahan po ni hubby mo ikaw kase d mo lang naman anak yan e. Saka d naman ikaw lang gumawa nan. Sya den. Magsabe ka po sa kanya. Siguro po ibahin mo approach nan pagsasabe. Yung unahan mo sabihin na wag sya magalet or pakinggan ka muna. Ska asawa ka nya at responsibility ka nya. Sya yun natayo na tatay at dapat lang iprovide nya pati kelangan mo lalo na ng baby na ilalabas mo palang. Sana po masabe mo. Iisipin mo kase nan iisipin yan hanggat sinasarili mo lang.

Magbasa pa
5y ago

thank you mamsh ๐Ÿ˜Š

Momsh kausapin mo po ng ayos asawa mo. Ang sama lang na pagdating sa luho (which is madalas di naman kailangan) e may pangbili sya pero sa needs nyo wala. Pareho kami nagwowork ng asawa ko and nung nakuha namin 13th month pay namin nag save na agad kami ng tig 50% each para sa panganganak ko. Yung mat ben na nakuha ko di din namin ginalaw and dinagdag na lang sa savings. Sana po matuto hubby mo na magbudget ng ayos and i-prioritize ung needs nyo bago mga wants nya.

Magbasa pa
5y ago

magagamit din naman namin yung ps4 pag pinarentahan.. ayoko naman syang controllin pagdating sa pagbili bili nya.. kase pinagtrabahuhan naman nya yun

Dapat kasi bago kayo nagsama..nag usap kayo..na ikaw ang maghahawak ng pera..kaya siguro namihasa na kahit ano bilhin nya okay lang..kahit di ka nya muna tanungin.. Nung una ang asawa ko di pabor na aq maghawak.atm..kasi nasanay sya for 26 years nung binata sya na sya nagbubudget sa sarili nya.. Pero pinaliwanag ko ng maayos sa kanya.. Kaya ayun lahat ng sweldo namin ako nagbubudget..binibigyan q.lang sya allowance nya.. Di rin.naman kasi sya maluho

Magbasa pa
VIP Member

Hindi naman lahat sayo dapat iasa e partner mo sya dapat damayan kayo. Sabi nga give and take lang sa isang relasyon pag sobra na nakakasama na dapat balance lang. Tsaka maging open ka sa partner mo baka ikaw lang hinihintay nya magsalita o magopen sa sakanya. Need rin yan sa isang relasyon para tumagal "communication" is the key hehe wag mo masyado istress ang sarili mo mamsh makakasama yan kay baby. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜

Magbasa pa

Better kung mag oopen ka sa kanya sis... Mahirap pag kinimkim mo lang yan bibigat lang lalo dibdib mo... Kung mag aaway kayo normal un pinag dadaanan talaga yan ng lahat ng relasyon, kaysa ganyan na nag lilihim ka sa kanya. At the end of the day atleast nag away man kayo gumaan naman ang nasa dibdib mo, kung sumbatan ka nya hayaan mo na pasok sabay labas sa tenga ganun... Hope nakatulong

Magbasa pa