Away

Pahingi naman po ng advice mga inay. Sapat na ba yung nakakapagprovide ang asawa mo para sa family nyo? Minsan o bihira lang makapag alaga ng anak nyong wala pang 1 taon. Ang usual tulog nya ay madaling araw kaya hapon na nagigising as in between 2-4pm. Kanina pagkagising nya ng 2pm nagcellphone lang sandali. After 1 hr tumawag kaibigan nya pumunta dito samin naglaro sila. So ako na naman bantay sa anak namin. Btw nakatira kami sa magulang nya. Yung bahay na bigay sakin ng parents ko hindi pa namin mapuntahan at maayos (wala pang gamit) dahil sa ecq. Ngayong gabi Nagkasagutan kami ng asawa ko. Oo sya nagpakain ng dinner. Ang expect ko naman sya na rin magpapaligo. Pero hindi pala. Sakin nya pa rin pinasa. Medyo uminit ulo ko kasi nga understood ko sya magpapaligo. Ambag nya man lang sa pag aalaga sa anak nya. Kaya nagkasagutan kami. Nonverbatim: Husband: ikaw na magpaligo, kakain na ako. Me: ikaw na. (Kanina ko pa sya niyayaya kumain pero nanonood ng balita kaya nauna na ako) Hanggang sa sinabi nya ako na daw magpaligo dahil gawain ko daw yun bilang ina. Sabi ko bakit ako lang? Sana di na lang ako nagpabuntis sayo (ito, the moment na lumabas to sa bibig ko nagsisi agad ako. To think na karga nya pa ang baby namin.) ang sagot nya dyan e di sana naghiwalay na lang tayo. Late ko naisip na nagaaway kami sa gitna ng anak ko. Naawa ako at nainis sa sarili ko. Mahal ko naman anak ko at nag eenjoy ako mag alaga pero nakakapagod din naman talaga. Nagsisi talaga ako na nasabi ko sa harap ng anak ko yung mga salitang sana di na lang ako nagpabuntis. Alam ko di pa sya nakakaintindi pero nararamdaman nya yun diba. Nainis lang talaga ko. So after ko paliguan si baby, kinuha sya ng asawa ko at Nagsalita na tandaan ko daw yung sinabi ko. Edit: pareho kaming kumikita. Pareho ang sahod namin. Wala lang kaming work ngayon dahil sa ecq pero sa awa ng Diyos, bayad pa rin kami.

2 Replies

Ang pagiging mag asawa ay pagiging isa. Share sa lahat ng responsibilities at pangit din na magsumbatan kayo. Di porke cya ang kumikita ay wala na cyang parte sa pagaalaga sa anak ninyo. Ikaw naman pwede mo sabihin un sa kanya in a nice way na hindi mo isinusumbat ung pagod mo. Pareho lang kayong napapagod. Unawaan at tulungan dapat.

Salamat mommy sa advice. Thank you din dahil in a nice way mo rin sinabi sakin yung advice mo.. i feel sorry tuloy for what i said earlier. God bless po

Momsh di naman po sapat na pera lang ambagng mister mo. Gusto nya ba na malayo loob ng anak nya sa kanya? Di sa pagmamayabang po pero ung asawa ko good provider sya pagdating sa pera yet hands onpa din sya sa mga anak namin lalo na at mag 3months pa lang bunso namin. Sana mapagusapan nyo po yan ng mister mo momsh

Ang swerte mo momsh... nakakatuwa po mister mo sana maging ganun din mister ko

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles