Breadwinner na asawa.

Pahingi naman ng advice. Masyado na kasing mabigat. ๐Ÿ˜ญ Ano ba ang pipiliin, mgtrabaho na malayo ang anak o kasama ang anak pero gipit??? ito kc yun, ang nanay ng asawa ko, ino-obliga parin syang nagbigay kahit pamilyado na. since di ngkakasya, napilitan ako bumalik sa trabaho, tas sa kanila namin pinaalaga ang anak namin since mgsusupport din naman kami sa knila financially. wala na din kc akong nanay. Umuwi sila ng anak ko sa probinsya since ayaw ng biyanan ko dito sa siyudad. 15k kada buwan ang padala namin kasama na yung gatas ng anak namin, minsan nalang din sya mg diaper, at kumakain na din ang 3 years old namin, pero di ko alam bakit humihirit pa ang nanay nya ng, wala na daw gasul, hingi daw pambili ng yero, at kung anu2 pa. kaya naiirita ako sa mga hirit nya. may dalwa pang ampon (mga teenager na) nanay nya na hindi manlang kami kinonsulta, may matanda din sila sa bahay. ngayon masyado ako nangungulila sa anak ko. nagiging cause ng anxiety ko, dami kong what ifs. hindi din ako mapalagay pg nagkakasakit sya. kaya hindi ako makapag focus sa work at lagi akong umiiyak. ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ Tama ba na kunin ko na anak ko at mg resign muna. kaso ng iipon pa ako ng pang business pero di pa sapat. na iintindihan naman ako ng asawa ko pero di nya masabihan or ipaintindi sa nanay nya na my sarili na syang buhay kaya sumasama loob ko sa kanya. ๐Ÿ˜ญโค kaya naman sana ng asawa ko kung hindi lang sila nakaasa sa kanya. pla pa advice naman kung ano mainam gawin.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kunin mo nlng, konti naman na ang gastos ng 3 years old, kuha ka ng yaya 7k sahod, tapos mataas na ang 3k n gatas ng anak neo kasi kumakain naman na sya, 10k lng gagastusin neo para sa bata