Sustento sa anak

Mga mommies, ask ko lang kung ano magandang gawin para tuloy tuloy na makapagbigay ng sustento yung tatay ng anak ko. Di po kami kasal, hiwalay na kami since 2nd month ng baby namin pero sakanya nakaapelyido si baby. Nakakapagbigay sya ng kaunting halaga every 2 weeks pero hindi nagkakasya sa gastusin ng anak namin kahit nagtatrabaho din ako. Diba dapat hati kami sa expenses? Lagi nya dinadahilan wala syang trabaho, mag aaral daw sya ulit. Magdadalawang taon na anak namin pero nitong March lang sya nagsimulang magbigay, pinakamalaking naibigay na nya 1500 sa isang buwan. Lagi sinasabi walang pera, nag aantay ng padala ng nanay nya bago makapagbigay. Pero nakakapag gym, may jowa, nakakapagbisyo pa. Gusto ko lang po malinawan kasi sa mga nababasa ko kung wala daw pong trabaho ang tatay ng anak eh wala din naman daw magagawa. Tama po ba yun? Salamat po

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Para sakin HINDI. Ke may trabaho o wala, hindi mawawala yung obligasyon niya sa anak niya. Problema niya na yun kung saan siya mag hahanap ng pang sustento sa anak niya. Katulad nga ng sinabi niyo, kung may pang gym at pang bisyo siya bakit wala siyang pang sustento sa sarili niyang anak? Kung kaya mo, warningan mo na kausapin mo siya sa barangay kung hindi siya mag bigay. Kung hindi siya mag bigay, ipabarangay mo na.

Magbasa pa