NAP TIME (AYAW MATULOG NG ANAK KO SA TANGHALI)

Pahelp naman po ng tips kung paano patulugin si baby 2 years old and 8 months na po siya and nahihirapan na po akong patulugin siya ng hapon sabe kase nila kealngan po ng nap time para mas lumusog at mas madaling lumaki e mejo payat si baby at picky eater pa. ano po kayang pwedeng gawin para mabilis matulog. thank you po.

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Eto ang way/routine ko para patulugin sa tanghali ang toddler ko. 1. Busugin ng breakfast 2. Pagurin sa kakalaro/kakatakbo sa labas lalo na sa umaga after breakfast. 3. Paliguan pagkatapos magplay 4. Milk time 5. No screentime during daytime, sa gabi lang sya allowed manood (1hr) pag di na pwedeng lumabas. About naman po sa pagiging picky eater ni baby, try Propan. Painumin nyo po sa kanya every night or after dinner. Super effective nyan, picky eater din kasi ang 2 y/o ko, yan lang umepek sa kanya na appetite stimulant. Lagi nang bundat ang tyan 😅

Magbasa pa

yung anak ko 3y and 4months, sinasayaw ko pa din pag nap time sa hapon. 10-15mins lang naman at natutulog yan 2-3hours😊 Sa gabi kusa na syang natutulog mag-isa kaya inienjoy ko nalang din ang pagsasayaw 😅 minsan lang din sila bata☺️☺️

VIP Member

Try niyo po mag black out curtains or basta wala po makikitang sinag ng araw o ilaw. Samahan niyo po hanggang sa makatulog, painumin niyo po ng milk, kantahan niyo po

Physical activities talaga. yung toddler ko, 2 years and 11 months. Pag lumalabas kami l, lakad lakad for 30 minutes, minsan pag tingin ko tulog na haha.