Pag nagcheat ba si husband how do you move on? Are you still together?

100 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

It will be hard to move on. 2015 he cheated on me, then he did it again 2016. Sobrang hirap mag move on kasi hindi ka pa nakakabangon sa unang pagkakamali niya, inulit pa. At first sabi ko I'll stay para sa anak namin, ayoko masira idea nya ng marriage at love. Pero nung nakita ko na walang pagbabago, I have decided to end our marriage. Worst part is, ako pa ung pinagbibintangan niya ngayon na may iba. He just couldn't accept na siya ang dahilan bakit nasira family namin. Sobrang sakit kasi its like he just proved to me na balewala lang talaga ako at ang anak namin sa kanya. Para akong dinurog nung nakita niya na may buo buo pa, pinulbos nya pa ako at hinipan.

Magbasa pa

Actually it's normal. Siguro madalang nalang yung lalaking masasabi mong hindi magchi cheat sayo from the start. 😊Nasayo lang naman yun. Sabi nga sa palabas eh "Babae yung naghahandle ng relationship" idk san palabas ko ba ito narinig. Hahaha. I think it's true, pag pinatawad mo sympre nakatatak sa isip mo yon hanggang huli at masasaktan ka lang pag naaalala mo. Pero pareho padin naman kayong masaya no matter what happened! Pag hindi mo naman pinatawad or nakipaghiwalay ka. Hm come to think, it's either maging single mum ka or magkaron ulit ng relationship. Pag nagkaron ka ulit how sure are you na di sya mag chicheat sayo. Hahahaha. Wala lang advanced magisip😂

Magbasa pa

Mahirap super kasi yung taong minahal mo ng sobra yun pa pala yung sisira sayo.. Ako ginawa ko nun nilaban ko iniiyak ko lang pero tumatayo parin ako kinausap ko si girl pati si hubby kung san sila maligaya una nawalan na ko ng pag asa pero yung naopen ko fb account ni hubby at dun ko nalaman na binablackmail sya ni girl dun ako lalo nagkaroon ng lakas ng loob para ilaban asawa ko. Tinanggap ko pagkakamali ng asawa ko para sa anak namin pero swerte ko nalang gumawa ng paraan si hubby para makawala kay girl nakita ko naman effort nya para maayos kami..

Magbasa pa

im so thankful kasi di ako nakakaranas nyan ngayon at confident ako na hindi nangyayari sakin ngayon yan... pero para sakin hanggat kaya ko pa na pkisamahan sya gow lang.. mas magaan kasi pag nasasabi mo sa asawa mo yung alam mo.,.ako kasi sa diplomasya ko dinadaan kasi nature na ata ng lalaki mangbabae,.. sakin e nasawa na sya sa pagiging pasensyosa ko... ngayon awa ng Diyos lahat kwento nya sakin... bawat punthan nga tinatawagan nya muna ako... may pics pa pag uwi... patunay kung san sya galing...ngayon masaya na... sana maging masaya kana din...

Magbasa pa

Paano ko nag move on? Nagdasal ng Nagdasal ng Nagdasal. Na Bigyan nya ako ng lakas ng loob para mapatawad yung husband ko sa kasalanan nya. At iopen yung eyes ng husband ko sa mga nagawa nyang kasalanan, na sana isipin ng husband ko yung family na binubuo namen. Yes, I cried a lot almost every night. Kinausap ko cya ng seryoso. Muntik ng mag give up. Hindi nag give up. Naisip ko kasi hindi magloloko yung husband ko kung wala akong pagkakamali. After 3 years, I'm healed. Ok na kami mas stronger na yung pag sasama namen.

Magbasa pa

Pinakamagandang gawin cguro is to love yourself muna baka kasi kulang na ang pagmamahal at pag aalaga sa sarili kaya nawalan n ng gana si husband. Find time to pamper yourself and make yourself happy do something na my challenge. I mean explore more things in your relationship na he will always misses. Forgive and forget. One way to move on is trust God with all your heart and lean not on your own understanding. In all your ways acknowledge Him and he shall direct your path.

Magbasa pa

Nku yan ang kinakatakutan ko lalo at may tatlo akng ank lalo ngyon dmdaan ako sa stress dala ng pngangank ko lhat ng pkiramdam n d ko mpliwang n skn sbrang hirap ntatakot nga ko minsan..mdlas ako umiiyak kc pkiramdM ko wla nkkaintindi skn n para bng ngiisa ako kc khit asawa ko ndi alm pngdadaanan ko..lki n itinanda ng mukha ko sa sbrang kkaisip ng kng anu2..hirap pero piniplit ko kyanin sna nga mwala n ung gnitong feeling sna bmlik n ung dting ako hirap kc sbra....

Magbasa pa

Ako nahuli ko si hubby na nag cheat pero nung nalaman ko na nag cheat sya inisip ko yung anak din namin and yung fact na sobra ko syang mahal.. Ayun di madaling mag move on talagang naisusumbat ko sakanya Everytime na may away kami pero I think it's not fair kasi pinatawad ko sya so kailangan matutunan ko syang pagkatiwalaan ulit at wag ipamukha yung mali nya.. Pag nahuli ko ulit sya yun na talaga aalis ako with my daughter and he can have a good life hahahaha

Magbasa pa

Just caught my husband cheating too last april.. Still have flashback every now and then. Siguro nga mahirap talagang mag move on. Kasi tuwing naiisip ko how he did it to me and to our baby, parang paulit ulit pa rin akong dinudurog. Yung wala talaga kong idea na he's having another girl na kasi akala ko talaga masaya kami. It felt like they ruined me. Ang hirap bumangon, iniisip ko na lang yung anak namin. He's still a baby. And it really breaks my heart so much.

Magbasa pa
7y ago

😢 i've been on the same situation til he did it again. We are no longer together for a year now.

TapFluencer

Mag-three years pa lang kaming kasal and wala pa namang cheating na nangyayari and I pray na wala talaga tho nakatulong siguro kasi na 10 years kami naging mag bg-gf, tapos 1 year na engaged bago kami nagpakasal. Siguro sa tagal nyb, sobrang nakilala na namin isat isa at nalampasan ang madaming challenges, issues at temptations. Pero if mangyari man, di ko sure pero siguro sobra akong masasaktan kasi it will be a whole new experience for me.

Magbasa pa