sex
paano nyo tinanong kay ob na kung pwede kayo magsex ng hubby nyo while pregnant? nahihiya kasi ako e. tuwing check up lagi pinapatanong sakin ng hubby ko na sabihin ko daw kay ob kung pwede..
Saken di ako maselan sa pagbubuntis kahit di maselan di muna ako nakikipag do kai hubby para naren sa safety namen ni baby makakapag hintay nmn ang sex momsh. Pero kung di nmn makapag pigil nasa sayo na yun. Thankful nmn ako at naiintinidihan nmn ni hubby yon. Kapag kabwanan ko na cguro kame mag do para di mahirapan manganak😂
Magbasa paSasabihin naman ng OB mo kung di kayo pwedeng mag sex ni hubby. Ako hindi nagtanong, mejo maselan ako, nag duphaston ako kaya sabi ni OB na bedrest ako and bawal ang sex. Kailangan kasi at ease ka sa OB dahil whole pregnancy journey, kasama mo sya kaya wag kang mahiya.
Sakin kasi kusa sinabi ng OB ko un e. Di na kinailangan itanong. Hahaha. Pero ang advise sakin ng OB during 1st trimester hanggang maari wala munang contact kasi nakakaapekto un sa kapit ng baby.
samin kamay kamay muna si hubby hahahahahhaah kase mahirap na baka mapano pa si baby. maselan din pagbubuntis ko. buti nalang din may pa sexy time or wala ok lang kay hubby di sya nagrereklamo
hehe di pa po pede wag na muna alagaan nyo na muna ang baby mo at para sa iyo din minsan kasi nakakacause din ang sex ng uti..kaya tiisin nyo muna alam mo naman ang kondisyon mo diba?
Lucky on my part, si OB una nagopen Hahah kaya ayun napag-usapan na tuloy namin. Sabi nya sakin "dinudugo ka ba kapag nagtatalik kayo ni mister?" ayun, nagumpisa na ako magtanong 😂
mas maganda maging open ka sa ob mo, wag ka mahiya para mapayuhan ka ng doctor kasi naa-assess naman nya kung pwede kayo magsex at kung hindi ka maselan magbuntis
sa 2nd child ko nakapag do pa kami nung gabi tapos naglabor ako nung madaling araw. Infairness, madali akong nanganak so etong pangatlo ganun uli hehehe
Ask mo lng sis kung pwede mag.make love, Kung safe ba. Minsan kasi ung ob na agad nagsasabi na bawal muna contact if may makita sila na hindi tlga safe.
Ay itanong mo lang yan sa OB mo ng deretsyahan, wala po silang judgement sa gnun trabaho nila na magkaroon tayo ng peace of mind sa health natin.