Paano maging kalmado

Paano makaraos ng gabing hindi nagagalit kay baby? Super iyakin nya ngaun almost 2 months nya at sobrang naiinis ako lalo sa gabi kapag iyak sya ng iyak tipong ginawa mo na lahat pero di parin sya matigil. Buong araw ko na sya inaalagaan magisa kaya sa madaling araw sobrang naiinis na ako, hindi ko naman maobliga asawa ko kasi buong araw din sya nagtrabaho. Minsan hindi ko maiwasan maging harsh kahit alam kong sobrang fragile ng baby. Hindi ko maiwasan sa sobrang inis ko galit na galit nako kahit baby palang sya pakiramdam ko nasasaktan ko na sya. Nakakarinde kasi yung iyak ng iyak ginawa mo na lahat lahat tapos parang kulang parin para kay baby. Nakakabaliw na kailangan kong harapin lahat magisa kahit na sobrang inis ko na kailangan ko parin sya alagaan. Ang hirap ng ako lahat

55 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same mi 2 months 2 lang kami ni husband and may pasok din sya 3 to 12 pm pag uwi nya papatulugin nya muna ako till 4am sya ang mag babantay, nasa pag uusap din para makapag pahinga tayong mga nanay,kay baby naman, Check mo all over ang body kung may something pantal or whar, diaper, Or pag okay naman ang lahat ihele mo lang sya buhatin mo ilakad lakad sa house or sa room hanggang makuha nya yung tulog nya

Magbasa pa