55 Replies

I feel you...mahirap ganyang stage ng baby...nakakatuliro... kahit pagod ang mister mo sa work, pasuyuan mo kahit isang oras lang...it will change your attitude and mental capacity...magpahinga ka kahit maikling oras o minuto...wag kang mahiya sa asawa mo...dahil pag napuno ka, mas mahihirapan kang mag-alaga ng anak nyo... lilipas din ang stage na iyan...Seek help kung drained ka na...yun lang

tignan-tignan po ang behavior natin baka post partum depression na po ito. kung may kamag-anak na pwede tumingin saglit sa baby during the day para nakakatulog ka, baka pwede po itry. para pag hawak mo na sya sa gabi, mas may patience ka na po. need daw alagaan sarili para maalagaan ang baby. just my 2 cents. anw, God bless u momma.

valid yung feeling mo mommy , since nasa post partum stage ka. isipin mo po lagi kung bakit xa umiiyak siguradong may mali . hingang malalim 🥰 kawawa naman si baby kc baby pa xa , hindi nya masasabi kung bakit sya umiiyak . role mo po yon bilang mother 🙂 always remember kailangan ka nya ❤️ stay strong mii at magdasal lagi

i feel you mamsh ang hirap mag alaga ng baby at asawa 😭 praying na ma overcome mo po yan. kahit panay iyak din ni baby tinatry ko po patibayin ung bond namin. nakatulong din po na nag breastfeed ako pag umiiyak sya tigil agad sa dede 😂 un nga lang ngaun sobrang dependent nya sakin ayaw mahiwalay.

baguhin mo mindset mo. tuwing iiyak ang anak mo isipin mo na lang na maswerte ka dahil ang anak mo buhay, di tulad ng ibang nanay na nawalan ng anak. pag nagising sa madaling araw ang baby, isipin mo na lang na mabuti at nagising sya dahil ang ibang baby di na nagigising dahil sa SIDS.

Same here mommy, ftm ako. Ang witching hour ng baby ko 9pm-2am. Nakakafrustrate talaga, pero iniisip ko na "this is just a phase". Malalagpasan ko rin ito kasi after a few months maeestablish na circadian rhythm nila at mas makakatulog na tayo ng matiwasay. Kapit lang mommy.

Try mo mi paliguan sya sa gabi if wala kayong ac para po mapreskuhan sya. Baka naiinitan sya kaya ganyan sya sa gabi or may growth spurt si baby kaya sya iyak ng iyak. Hayaan mo mi sa umpisa lang talaga ganyan. Magiging okay din ang lahat. Wag kana mainis kay baby.😊

Makakasuhan ko po ba yung ama ng anak ko dahil ilang taon na hindi nag susuporta sa anak Niya ..at ang lagi niyanh sinasabi na Anjan namn daw ako para mag supporta. Sa anak Namin may aswa na po x. Ngayon ano po pwede kung gawin para x ang mag supporta sa bata

Ang swerte ko sa part na hinde iyakin baby ko 2months old palang din siya pero grabeng sobrang masayahin siya lalo na sa umaga pag gising na kami, ngumingiti na marunong na makipag usap kahit puro uhhhh lang hahaha iiyak lang siya pag gutom na, baby girl ko nga pala

sounds like PPD...momsh bka pwede ka maka ask ng help sa kapamilya or kamag anak mo pra matulungan sa pagbantay kay baby...stress ka lng..nraramdaman din ni baby kc yan kaya naiistress din. you need rest so you can be better with your lo...seek help..khit ilang months lng

kami lang kasi ng asawa ko lalo pag gabi at ako lang din nagaalaga pag morning pag nasa work sila kaya sobrang nakaka drain lalo kase inaasahan din ng MIL ko na pag dating nila galing work ako ipapasa ko lang si baby skanila tapos ako pa magluluto for dinner. super draining ang BF at hands on 24/7

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles