Paano maging kalmado

Paano makaraos ng gabing hindi nagagalit kay baby? Super iyakin nya ngaun almost 2 months nya at sobrang naiinis ako lalo sa gabi kapag iyak sya ng iyak tipong ginawa mo na lahat pero di parin sya matigil. Buong araw ko na sya inaalagaan magisa kaya sa madaling araw sobrang naiinis na ako, hindi ko naman maobliga asawa ko kasi buong araw din sya nagtrabaho. Minsan hindi ko maiwasan maging harsh kahit alam kong sobrang fragile ng baby. Hindi ko maiwasan sa sobrang inis ko galit na galit nako kahit baby palang sya pakiramdam ko nasasaktan ko na sya. Nakakarinde kasi yung iyak ng iyak ginawa mo na lahat lahat tapos parang kulang parin para kay baby. Nakakabaliw na kailangan kong harapin lahat magisa kahit na sobrang inis ko na kailangan ko parin sya alagaan. Ang hirap ng ako lahat

55 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ask for help sa husband or kamag anak. Magpatulong ka sa husband mo, okay lang yun kahit may work. sacrifice talaga pag nasa stage na yan. not okay na nasasaktan mo na baby mo and hindi naja justify nun yung dahil nahihirapan ka.

Growth Spurt yan sis. Wala,ganyan tlga. Part yan ng paglaki nila,tayo nalang mag-adjust at tayo ang magulang. Kung kaya pwede nman kumuha ng aalalay sayo para di ka masyado mapagod. Habaan mo lang pasensya mo,lilipas din yan.

thank you so much po sa mga mommies na nagcocomment at nagbibigay ng advice. super thank you dahil sa nababasa ko may natututunan din po ako sainyo at kahit papano nailabas ko yung guilty feeling. thank you so much po ☺️

relax lang mommy 😊 inhale exhale kalang. Laban kalang kasi mabilis lang araw lilipas din Yan lahat. GAnyan talaga nararamdaman natin pag Wala tayong katuwang sa pagaalaga Lalo nat first time mom kapa nagaadjust kapa.

i think momsh dumadaan ka po sa post partum depression kc naranasan ko narin po yan. na nkakaramdam ng galit sa anak ko pag iyak ng iyak dala narin po cguro yan ng pagod. kaya need po na suporta ng asawa m momsh.

I-enjoy mo lang memsh sabi nga din ng asawa ko i-enjoy lang bawat minuto segundo. And need mo din ng rest memsh ng tulog para ready ulit sa pag aalaga sa bata. Kasi after 3-4 years magiging independent na yan.

Hehe. Firm lang po kayo same as my baby ginagawa ko sinabayan ko nalang yung puyat niya tapos kusa naman siya matutulog pag antok na siya hindi kona pinepressure self ko patulugin siya. Ganon po siguro sila.

Nasa growth spurt pa si baby mommy love love mo lang siya at tatahan din yan or baka po may kabag siya lagyan mo ng manzanilla para mawala ang sakit ng tyan makakaraos ka rin sa stage na niyan mi.

TEMPORARY LANG YAN! PLEASE MAG TIIS KA MAAWA KA SA BABY MO WALA YANG KA ALAM ALAM AT HINDI KA NIYA INUTUSAN PARA BUHAYIN MO SYA! LA LAKI DIN YAN MAMIMISS MO TALAGA YAN

at 2 months? Grabe ano bang alam ng isang 2 months old.. do you think they doing it on purpose? even toddlers doesnt know how to be calm.. they dont know the word calm..

1y ago

kaya nga nagpoat ako dito eh para mag ask ng tulogor advice kung papaano maoover come. i did not post my experience to be bashed or judge. kung ikaw alam mo na ang ginagawa mo siguro hindi mo first time, edi sorry kasi first time mom ako eh at nagaadjust pa ako. you're not even helpful sa pag comment mo nyan sana di ka nalang nag comment.