❤
Paano ko sasabihin sa parent ko na buntis ako? Advice lang po

Ganyan din ako dati, 23 years old ako sa 1st baby ko non and hindi ko talaga alam gagawin. Ako ang bread winner at ako lang inaasahan non ng parents ko na makakatulong sakanila pero napapansin na ng monther ko yung mga changes sa katawan ko since slim lang ako before, but then nun sinabi ko, napuno kami ng iyakin, halos patayin ng father ko yung boyfriend ko, pero sa una lang talaga mahirap, tumira ko sa bahay ng boyfriend ko ng 2 months at after non ayaw na ko paalisin ng parents ko nun umuwi ako sa bahay, nun lumalaki na tyan ko inalagaan nila ko, hanggang ngaun, feeling ko nga mas mahal na nila mga apo nila kesa sakin. Hehe mas masarap sa pakiramdam yung wala kang tinatago, afterall sila pa rin naman masasandalan mo sa mga oras na malungkot ka.
Magbasa pa


