ADVICE

Paano ko sasabihin sa parents ko na buntis ako graduating pa lang ako at 19years old.

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I think madidisappoint talaga lahat ng parents at first kapag nag baby ng maaga or ng hindi pa kasal ang anak nila, ganyan talaga at first pero afterwards they will realize na mas kailangan ka nila alagaan. Their anger will pass din naman pero you have to endure it. You have to be more responsible from now on and make sure na natutunan mo yung lesson, mas may papatunayan ka ngayon sa parents mo at need mo pa gampanan ang role as mommy to your future baby. You will have to mature agad. Just say sorry to them na sincere at galing sa puso mo kasi mabigat syempre sa parents mo yang news especially kakagrad mo palang but always think na having a baby is a blessing so don't give in sa pressure ng ibang tao na makakaalam.

Magbasa pa

Sabihin mo na hanggat maaga pa. kasi nagtatampo din ang baby kapag tinatago sila kasi ginawa nyo yan eh bat nyo itatago? sa una lang sila magagalit pero dahil pagraduate ka na naman baka mas maging proud pa kasi sola maachieve mo goal mo dagdag pa na may blessing na binigay si Lord sayo.

lahat naman ng magulang pag nalaman nilang buntis ung anak nila, magagalit talaga sila sa una. pero matatanggap nila yan, tanggapin mo lahat ang sasabihin nila sayo. mawawala din yung galit nila. mas maganda kung sabihin mo ng mas maaga para mas maalagaan ka nila. 😊

Kausapin mo muna nanay mo siya una mong kausapin tutulungan ka ng mama mo kahit magalit pa siya o ano pa masabi. Pag okay na sa mama mo dun ka humingi ng tulong sa mama mo na sabihin sa tatay mo. Matatanggap din nila yan pero syempre magagalit muna sila.

walang magulang ang kayang tiisin ang anak. same sa family ko... nung una galit na galit yung lolo ko. pero nung nanganak ako, Isa pa sya sa nanghingi nang pic at unang namili nang gamit ni baby hehehe 💖

Mas mabuting sbhn mo na agad, sa una tlga magagalit sila. Tas isipin mo lilipas din yan at matatanggap din nila kung ano man nagawa mo. Tanggapin mo nlng kung anong masasabi nila sayo ginawa mu yan eh😁

C father mo cguro kausapin u ng mother mo na kau lng 3. Xempre expect mo n ang kung anong reactions n father at tanggapin lahat ng sasabihin. Matatanggap at mtatanggap k nun lalo kpag andyan n c baby,

sabihin m ksama bf mo, tanggapin mo lahat ng sasabihin nila kasi nga mali mo yan pero kht na ganon iassure nyo ng bf mo na aalagaan nyo maige yung baby nyo at mgtatapos ka ng pagaaral 😊

VIP Member

Sa graduation mo sabihin sis effective hahaha or after graduation. Di gaanong magagalit kase nakatapos ka naman ! Ganun kase ginawa namin ng partner ko nung April nung grumaduate siya

Tanggapin mo kung magagalit sila. Kasi kahit magalit pa sila, for sure sa huli matatanggap at matatanggap din nila yan at sila unang susuporta sainyo. Ganun ang magulang. :)