❀

Paano ko sasabihin sa parent ko na buntis ako? Advice lang po

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kung kanino ka mas open dun mo sabihin. Ako sa papa ko unang sinabi kasi mas mahinahon sya. Mas maganda kung kasama mo yung partner mo para mas makita nila na handa kayong panagutan. Be ready na rin sa kung anong mangyayari. Tandaan mo lang, wag kang magtatanim ng galit sa magulang mo kung may masabi man silang hindi maganda. Unawin at iparamdam mo lang ang pagmamahal mo mas madali nila yan matatanggap. Goodluck sayo. 😘

Magbasa pa