position ni baby tama po ba ? nahwowowrry po kasi ako ayaw kong ma cs

Paano ko po malalan na nakapwesto na. Baby ko 9months na po tsan ko di po makapag pa ultra sound kasi po di pa po pwedeng lumabas dito samin . Lagi po si baby sa right side ko sa may baba ng dede ko and minsan po may sumasabay na bumubukol m malapit sa may pusod ko right side po. Pa help naman po salamat . ❤️

position ni baby tama po ba ? nahwowowrry po kasi ako ayaw kong ma cs
29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mas cgurado pa rin pa ultrasound.. kasi sakin kung kelan fully dilated na saka pa nalaman na transverse pa rin. Kamay ang nakapa ng mag IE so un emergency CS. doble tuloy ang sakit kasi pinapigilan ako umire kahit sagad sagaran na ung sakit. 10 cm na eh.. bale iniipit ko na lang pag nararamdaman ko ung urge na umire, nakaupo lang ako. 2hrs pa ako nag antay bago maumpisahan ang surgery kasi inantay pa ung mga doctor na oncall.

Magbasa pa

Pag nan man po about dyn pwede po basta may kasama ka, dala ka q. Pass tapos sabihin mo ultrasound ka at kabuwanan mo na, ako di na ko nagpa ultrasound para malaman kung nakapwesto na sya, kinapa lang sya ng midwife ko tapos sabi nya nakapwesto na ulo nya

TapFluencer

Ultrasound lang, ako po akala ko cephalic na si baby, ngpa utz ako ksi due date kona wala akong sign na maramdaman, ngayon pala breech si baby ko, cord coil pa kaya emergency cs tuloy ako.. Good luck and God bless momsh

VIP Member

kahit po sa health center malalaman yan kung nakapostion na si baby pwede naman po kayo pacheck sa center niyo. and pwede naman po lumabas kung gusto niyo magpaultrasound para sure. kuha lang po kayo pass

Ultrasound po ang pinaka effective na solusyon dyan, kasi ako ganyan din transverse pa si baby kaya dpat bgo mag 35wks mkta kung nkapwesto n o hnd pra malaman kung CS o normal delivery..

Pwede naman po lumabas kahit under ECQ pa po yung lugar niyo kung needed po naman. Dapat may recent ultrasound ka po yan kasi basehan kung ma i nonormal mo ba or cs.

Pwede ka naman lumabas mommy during this time. Ask mo si husband to get medical certificate doon sa health center or clinic mo and brgy clearance.

paultrasound ka na mommy. pede naman lumabas pag emergency. kahit heramin nyo pa ung service ng barangay nyo. para sure ka at di mangamba. ingat!

Kuha ka nang quarantine pass at certificate sa center nyo. Para makalabas kapo mom! .ganyan po ginawa namin pero nakaag paultrasound po ko!

VIP Member

mag pa ultrasound ka po Momsh, pinapayagan naman po na lumabas mga buntis lalo kung sasabihin nyo po na magpapa check up kayo ..