Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Preggers
Welcome to the world my bebe love! 👶❤️
ROGUE TREVOR T. RAMOS 💙 Lmp : Jan 22,2020 Edd : Nov 3,2020 Dob : Oct 26,2020 39 weeks and 3 days I don't know where to start kase up until now feeling ko kakapanganak ko pa lang 😊.. so last Sunday nag decide ako maglakad kase sabi ng kapatid ko ang tagal ko daw manganak at naiinip na daw sila HAHA 😂 so naglakad ako and after non wala naman ako ibang nararamdaman.. then kinagabihan hindi ako kumain kase sabi ko sa sarili ko beke nemen lumabas ung baby ko kinabukasan kase if di pa sya lalabas ang usapan namin ng kapatid ko need ko lakarin mula dito sa Pateros papunta sa Pasig Lol 😂.. then nagising ako ng 3am na parang ang sakit ng puson ko, di ko pa ganong pinansin non at natulog pako pero nagtataka ako mga 5am bat sobrang sakit ata masyado kase di nako makatulog sa sakit tas bumangon nako habang nag iisip pa din ako bakit iba ata yung pain na nararamdaman ko.. kase sa 1st baby ko nung naglabor ako every 2 hours ung pain na tolerable naman then naging every 1 hour na hanggang sa tig 5 mins na ung pain na as in sobrang sakit na ganon ako nag labor sa isang baby ko for 12 hours pero nung umagang yun iba ung pain nya.. level 10 agad then 30 mins lang pagitan tapos bumangon ako para magtimpla ng gatas kase naisip ko baka nilamig lang tyan ko.. pagpatak ng 6am naging 10 mins interval na syaa so naligo nako at ginising ko na ung hubby ko para sabihin na naglalabor nako, na excite sya bigla tapos nag ayos sya ng gamit at pinaligo na nya ako. So nung nasa banyo nako lalo sumasakit as in mapapamura kana talaga kaya antagal ko sa banyo, mga mag se-7am na ata ako natapos kase di ko matuloy tuloy pagligo ko at napapaiyak talaga ako sa sakit. Nung nagbibihis nako tinatanong pako ng hubby ko kung kakain daw ba muna ako pero di nako makapagsalita hanggang sa napaluhod nako sa harap ng cabinet then may lumabas nang blood sakin so nung nakita ko ung dugo sabi ko need na namin magmadali kase sa 1st baby ko once na lumabas ung dugo sakin napaanak nako bigla kaya nagmadali na kami.. So nung nasa sasakyan na kami napapaliyad nako sa sakit at di nako makaupo ng maayos, ung pain nya is parang hinahalukay na ung puson at pwet ko at umuungol nako talaga, sabi ng hubby ko kapit lang daw ako kase malapit na kami sa lying in pero ramdam ko na ung pempem ko na parang napupunit at pakiramdam ko kinakatay nako ng buhay 😂 naisip ko ung baby ko na baka mapano sya kase ramdam ko nagpipilit na sya lumabas sakin, then di nga ako nagkamali kase naramdaman kona ulo nya sa pempem ko. Nung moment na yan naisip ko na ayokong pigilan na lumabas si Baby kase pwede syang mapahamak o di makahinga if ma stuck sya sa pwerta ko so nag inhale exhale ako tapos nung kumirot sya ulit sinabayan ko na sya ng ire at literal na naramdaman kong may nawakwak sa kaloob looban ko pero wala nako pakelam kahit nasa mismong sasakyan kami o baka mawakwak ung pempem ko basta ang nasa isip ko lang non ilalabas ko yung baby ko.. na kakayanin kong paanakin yung sarili ko..sa totoo lang takot na takot ako pero kapag nasa ganong sitwasyon kana wala kang choice kundi maging matapang para sa baby mo. Nailabas ko sya at ung hubby ko sumalo sa kanya, pagdating sa lying in pinutulan nalang sya ng pusod then pinalabas nila ung placenta kase nasa tyan kopa ung placenta that time then na admit ako 1 day. Wala akong tahi and never in my whole life na ma imagine na ganon ako manganganak.. but i am happy and proud of myself, kaya ko pala manganak nang super natural vaginal birth! 😂❤️ Sa mga Mommy's na manganganak palang, magtiwala ka sa sarili mo and always mag pray ka.. everything is possible basta may faith ka kay Lord at may tiwala ka din sa sarili mo na kaya mo.. ❤️
Question about Swab Test
Hi, i am currently 37 weeks pregnant.. ilang weeks po kayo bago nagpa-swab test? Ni request po ba ni Ob o nag volunteer po kayo magpa swab test?..
Konting kaalaman;
Question 🙋 : magkakaroon ba ng bingot (cleft lip) si baby kapag nasaldak ang buntis? Answer: HINDI Ang lips ni baby ay nabubuo ng 5-7 weeks pa lang ang fetus. Kung paglabas ni baby ay may bingot sya, malamang meron na sya nun mula nung nadevelop sya ng 2months pa lang, ok ok? Ano ba ang sanhi ng cleft lip at cleft palate (cleft lip=bingot, cleft palate=butas or di nagdikit ang ngala-ngala) 1. Genetic o namamana. Khit pa sa mga lolo or 3rd cousin pa yan 2. Mga gamot na nainom unang buwan ng pagbubuntis, karaniwan ang mga gamot na pangcancer or pangrayuma or yung gamot na methotrexate Ayan alam nyo na 🤔 Pag may buntis na nasaldak, and pacheck kyo agad sa Emergency, karaniwan kasi dinudugo at maagang humihiwalay ang inunan (placenta) sa mga trauma or accidents. Photo credits to CDC.
😍😍😍
Ang sarap mga Momsh kapag napunta ka sa tamang tao. Yung akala mo napakamalas ng lablayp mo tapos makakakilala ka ng tao na ipaparamdam sayo kung pano ka dapat mahalin at alagaan..
SSS Maternity Benefits :)
Eto na po ba talaga yung computation nang makukuha kay SSS? I mean for real? Thanks sa sasagot .. 💙
PHILHEALTH :
Mga Momsh, Question lang po sana may makasagot po.. Bayad po philhealth ko mula Jan 2018 to July 2020, magagamit kopo ba sya kapag nanganak ako sa Oct 2020? Resign na po kase ako ngayong July sa work eh.. bale wala po akong contribution from August 2020 to Oct 2020.. Thank you. 💙
Rizal Medical Center :
Hi mga Momsh! Sino po dito nanganak na sa RMC sa Pasig? Magkano po inabot ? Please answer po.. Tia! 💙
Philhealth issue;
Kala ko joke lang yung sa philhealth then pag check ko dun sa lying in na balak ko sanang anakan biglang hindi na din basta magagamit philhealth.. sa tagal kong naghuhulog sa philhealth ngayon ko pa lang sya magagamit tapos may problema pa..
OGTT & CAS
Mga Momsh magkano po kaya ung pa OGTT at yung CAS po?..
Lying in or Hospital
Hello po, San po kaya may affordable na lying in o hospital somewhere po sa Pasig or Pateros? Ung reasonable po sana ang price for normal delivery?..