help??

paano ko maiiwasan ang stress , lungkot at depression ? ? sobrang hirap n hirap n kalooban ko sa pagkamatay ng asawa ko nawala sya ng biglaan at di man lang nya nkasama ang mtgsl n namin pinangarap ... kung kelan n magkakaanak n kami tsaka pa sya nawala. im 13weeks&5days

92 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

since akay lord na ung asawa mo, isipin mo nalang na iniwanan ka ng napaka gandang regalo ng asawa mo, hindi mo man maramdaman ung pisikal na pag mamahal sayo ng napayapa mong asawa, ilagay mo sa puso mo na ung anak mo ung magiging way para iparamadam sayo ng asawa mo na mahal n mahal ka nya at ginagabayan ka nya sa itaas. pag nag iisa ka at feeling mo din nag iisa ka hawakan o himasin mo lang ung tummy mo, then close your eyes then remember everything good sa inyo ng asawa mo. sa ngayon ibuhos mo ung buo mong pag mamahal sa anak mo. kase sa ngayon si baby mo na yung TRUE LOVE mo.👍❤

Magbasa pa

Momy ok lng yan pray ka lng lahat may dahilan.,ako naman dalawang anak namin ang nawala.,namatay panganay naming lalaki 7yrs old dahil dun kaya nakunan ako 4months na sana lalaki rin.,almost 2 yrs ng kami nlng dalawa ni mister sa 3 palapag naming bahay.,hindi sa nagmamayabang ako momy pro isipin mo ang lungkot nun malaking bahay maganda sanang may tawa ng bata na marinig pro wala na.,ngaun 11 weeks preggy ulit ako at sana mka raos kami ni baby.,pray lng tau momy😊 lilipas din ang sakit at lungkot lalo na pag labas ng baby mo

Magbasa pa

Unang una nakikiramay ako sayo sis. Hindi ganun kadali ang pinagdadaanan mo kaya hanga ako sa katatagan mo. Tibayan mo lang loob mo..magpray ng magpray at humingi ng tulong para maibsan lahat ng sakit. Hindi hindi Niya tayo pababayaan. Ipagppray din kita momsh. Huwag m hayaan sarili m na magisa..lumapit ka sa family mo para mabigyan k ng emotional support. Para kay baby momsh! Siya ang naiwang magandang ala ala ng asawa mo. Alam ng Dyos na kakayanin mo ito. Pakatatag ka po.

Magbasa pa
VIP Member

mommy, be strong po. Dapat lagi kang may kausap like friends. Isipin mo po yung anak mo, kase kung magpapadala ka sa depression mo..Magiging risky ang pagbubuntis mo, sa tuwing nasstress at nadedepress ka ganun din si baby, 'wag kang papakain sa lungkot dahilmas matinding lungkot kung pati si baby mawala rin, daat healthy ka physical at lalong emotional. magpakatatag ka para sa anak mo.

Magbasa pa

Naku mommy, condolence. Wala akong maipapayo sayo, pero isasama ko kayo ng baby mo sa prayers ko. Mag-focus ka sa needs niyo ni baby, for sure yun din naman ang gusto ng mister mo. Kapit ka lang kay Lord, lagi kang magdadasal para sa inyong mag-ina. Surround mo kayo ni baby ng mga nagmamahal sa inyo. Alagaan mo si baby ng maigi, at magagawa mo yun kung aalagaan mo din ang sarili mo.

Magbasa pa

Kaya mo yan mumshie,, aq anak ko panganay at mama ko.. Mag kasunod lng cla ng months nwla cla sa tabi ko.. Sobra aq nalungkot pra mbaliw na ko noon.. Linagpas ko ang longot na inyo.. .pang subok lng cguro non sa akin. For now nabiyaya ulit kmi ng baby ulit nka raos din. Aq nanganak ako dis aug 8 .. Cguro isip mo nlng banta nio c hubby mo.. Sa inyo dlwa

Magbasa pa

Hi sis, virtual hug! Be strong! Kasi kailngan ka ng baby mo... I know masakit mawalan ng mahal mo sa buhay pero nid mo maging strong ksi magkakababy kna at makakasama sa baby mo kung stress ka lagi... isipin mo na lang un baby mo at isipin mo din na malulungkot c hubby mo kung makikita ka nya stress.. condolence sis!

Magbasa pa

condolence po sis.i know its hard pero need mo mag move on para sayo at sa baby nyo.wag ka na masyado malungkot at makakasama sa bata at least nawala man si hubby mo may naiwan sya sayo na laging magpapaalala kung gano ka kamahal ng asawa mo.ipagdasal mo na lang bantayan at gabayan nya kayo palaging mag ina.be strong

Magbasa pa

Pray ka palagi sis. Lagi mo isipin si baby ibuhos mo lahat ng pagmamahal mo skanya. Kain ka ng masasarap para healthy kayo ni baby. Magpahinga ka din wag masyadong magiiisip. Malalampasan mo din lahat ng pinagdadaanan mo. Maging malakas ka para sa anak mo kasi tiyak yon din gusto mg mr. mo. Prayer for you my dear.

Magbasa pa
VIP Member

condolence momsh 😭 praying for you, your baby, and your husband's soul. tandaan mo na lang na ano man mangyari, God's plan yan. Tatagan mo loob mo, dapat lagi ka may kasama at libangin mo sarili mo. Isipin mo na gusto ng husband mo na alagaan mo ang baby nyo kaya dapat healthy ka para healthy si baby.

Magbasa pa