paano ko ba sisimulan to, one month napo simula nung nanganak ako, emergency cs po ako..ayon cesarian, sana po hano, sana lahat ng partner alam yung hirap ng bagong panganak lalo at cs kapa, may hiwa sa tummy and sobrang tagal bago mag heal yung sugat mo.. hindi basta basta tama naman po ako diba? yung sugat galing sa pagkaka cesarian hindi parang sugat lang galing sa pagkakadapa oh ano pa man π ..sama mopa yung depression at stress, ang sakit lang mga mamsh, na hindi yon maintindihan ng partner ko.. apura share ko ng post about postpartum depression tapos malalaman ko, arte lang pala sa kanya yon.. yes alam ko, nadi talaga ako okay sa mga byanan ko eh, eh masisisi nyo bako mga mamsh? yung sa una palang ipamuka sayo na wala kang alam.. tapos parang lahat ng ginagawa mo sa anak mo mali.. eh ako kasi yung tipo na mararamdaman mo talaga na ayaw ko.. tapos itong partner ko, puro nararamdaman ng parents nya iniisip na parang sila ba yung nanganak sila yung naghirap.. tapos everytime mag aaway kami palagi bukang bibig na paremts nya daw nagbayad ng hospital like huh? anong meron bat ganon? tapos palagi nakikipag hiwalay.. nakakasawa nakakapagod .. ang sakit sakit na ng kalooban ko.. na diba dapat ako yung iniitindi? pero bakit kelangan ako yung umintindi? buti nalang strong ako hehe π para sa anak ko kinakaya ko lahat kahit sobrang gusto kona sumabog..
Anonymous